ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Kwentong Kapuso: Pasko at iba pang okasyon, ilan sa nami-miss ng mga Pinoy sa abroad
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Okasiyon o selebrasyon. Ito ang ilan sa mga pinakakamiss ng mga OFWs na gaya ko. Di ko maisasalaysay kung paano natin namimiss ang birthday, graduation, Undas, Easter Sunday, anniversary, Christmas, at New Year's Day. Matagal na rin na panahon di ko naranasang makapiling ang aking mga magulang at kapatid sa mga okasyong ganito.
Almost 23 years na rin na di ko nasilayan ang mag-Christmas o mag-Bagong Taon sa atin. For sure, marami na akong namiss talaga.
Sa ngayon, magwawalong taon na rin akong di pa nakauwi sa ating sariling bayan. Nakakamiss ang Simbang Gabi kaya pag matuloy ang uwi ko sa Disyembre tiyak magiging masaya din ako nito.
Oo, dito sa ibang bansa meron din ng mga selebrasyon na yan pero iba talaga ang sa Pilipinas, nakakakamiss talaga. Walang kasing gaya ang mga selebrasyon sa ating sariling bansa. Mas masaya sa atin.
Naalala ko pa pag Pasko, kaming dalawa lang ng kapatid ko ang nagseselebra tuwing Kapaskuhan at Bagong taon. May handa din kami, may mga Christmas Songs din, pero dumarating sa punto na malungkot din ang pakiramdam namin. Siguro ganyan din ang nararamadaman ng kapwa ko OFWs.
Dahilan na rin sa Internet, sa ngayon pwede mo na ring makapiling ang mga pamilya mo, kaibigan at kung sino-sino pa na malapit sa yo. Pwedeng mag-chat o "cam to cam" kayo, mabati mo man lang sila kahit sa Internet lang. Ang mga magulang, masaya sila pag binati din ng Happy Birthday ang kanilang anak kahit malayo sila, masaya na rin at least nabati nila.
Pero para sa akin, iba pa rin talaga ang presensiya mo sa mga okasyon o selebrasyon na ganito. Kapiling mo sila, sama-sama kayo, sabay-sabay na kumakanta, sumasayaw, kumakain at kung anu ano pa.
Alam ko kung gaano kahirap ang ating pangungulila sa ating mga pamilya. Umalis tayo para mabigyan natin sila ng magandang buhay. Sipag at tiyaga, mabuno lang natin ang dalawang taon na kontrata dahil gusto nating bigyan ang ating mga Pamilya ng
magandang buhay.
Ang okasiyon o selebrasyon, mapa-birthday, graduation, Christmas at New Year, tinitiis na lang natin ang ating pangungulila. Pero darating din nman ang panahon makakapiling din natin ang ating pamilya, for sure yan.
Masaya na rin ang aking pakiramdam dahil after almost 23 years dito sa abroad, heto ako, sa Pilipinas din magpa-Pasko at magba-Bagong Taon, may awa ang ating Panginoon.
Para sa kapwa ko OFWs, tibay lang ng loob ang ating isipin, may panahon din na sa mga selebrasyon o okasyon na darating sa pamilya niyo, for sure yan, makakapiling n'yo rin sila.
Pagpalain po tayo ng Panginoong Diyos.
- Meneses Ching
London, United Kingdom Illustration by Analyn Perez, GMA News
Tags: kwentongkapuso
More Videos
Most Popular