ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Saan mang sulok ng mundo, buhay Pinas pa rin ako!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hahayyyy, ang Pinoy! Enero, mga balitang halu-halo. May countdown sa Bagong Taon. Inaabangan ang kasayahan sa buong mundo sa telebisyon, mga wishes para sa Bagong Taon, mga pagbabalangkas sa mga pangyayari sa nakalipas na taon. Paputok dito, paputok doon. Sugatan sa banding huli, tapos magsisisi. Pero inu-ulit ulit pa rin. Di pa rin natuto. Pebrero, ayan na, puno na ang mga motel, mga hotel, araw kasi ng mga puso. Walang inaatupag kundi ang pag-iibigan. Mga pa-sweet. Lahat ng tao, puno ang pag-ibig sa damdamin. Lahat bumabait. Marso, pagtatapos na naman ng pag-aaral. Pabonggahan sa graduation. Problem ang mapapasukang trabaho. Dagdag sa unemployment. May trabaho man, pahirapan sa pag-aapply. Abril, ayan panahon ng bakasyon. Panahon ng Mahal na Araw. Siksikan pauwi, sa probinsya, siksikan pabalik ng Maynila. Kasayahan sa salubong ng Mahal na Maria at Mahal na Poon. Daming nagpupuntahan sa beach. Tag-ani. Mga pa-kontest at kung anu-ano pa. Tinatamasa ang sarap ng tag-init. Mayo, panahon ng fiesta, Buong Mayo, kahit saan dumayo, pwede. Sa iilang taon, may panahon ng halalan, dayaan ang pinag-uusapan at siraan. Minsan, madalas buwisan ng buhay at takbuhan ng buong angkan. May sagala sa prusisyon. Hunyo, simula ng kalbaryo. Pasukan na naman. Walang pera pang-enrol, Simula ng tag-ulan. Problema sa kakulangan ng silid-aralan. Kulang ang guro. Daming enrollees. Hulyo, baha na naman sa Kalakhang Maynila. Bagyo dito, bagyo doon. Ang titigas ng ulo, lumalangoy sa baha kahit marumi ito at pinagbabawalan. Ayan, puro lagnat at anu-anong sakit ang nararanasan. Agosto, higpitan na ng sinturon. Walang pera. Hirap ang takbo ng negosyo. Tahimik ang paligid. Lahat halos ayaw gumastos. Setyembre, ayan na, simula na ang sigla kasi papasok na ang unang buwan pabungad sa Pasko. Simula nang naririnig ang mga tugtog Pasko. Simula ng mag-ipon para handa sa Pasko. Oktubre, baksyunan na naman sa kolehiyo. Dami na naman turismo. Sa katapusan, paghahanda na sa papasok na Nobyembre. Nobyembre, ayan na, Araw na ng Undas. Uwian na naman, bakasyon pabalik sa probinsya. Traffic na naman sa Edsa. Pahirapan na naman ng masasakyan pauwi, mapa-barko, Bus at eroplano man. Pagkatapos ng undas, balik pahirpan pabalik ng Maynila mula probinsya. Simula ng Taglamig. Disyembre..medyo tahimik ang pasok ng unang lingo. Tahimik ang paligid subalit simulang lumigaya ang sambayanan pag simula na ang Simbang Gabi. Iyan na kasi ang araw na pinakahihintay. Simula nang sumigla ang mga bahay, shopping malls at kahit saan mang lugar ka magpunta, naririnig mo minu-minuto ang tunog ng kampana sa mga kantang pampasko. Pagsapit ng Pasko, paputok na naman, Noche Buena, nagsasalo ang pamilya. Pagkatapos, naghihintay na naman sa panibagong taon na papasok. Tapos balik na naman sa mga pangyayari. Hahayyyy..talagang ganyan ang Pinas. Walang pagbabago sa takbo ng panahon. Kahit medyo gipit sa buhay, masaya pa rin. Mga pangyayari na gumugugol sa utak nating mga Pinoy na kahit saan man sa mundo makarating, hinahanap hanap natin ang buhay PINOY. Mga pangyayaring tumatatak sa isipan nating lahat na siyang nagpapatunay, nnnaaapppaaaakaaaassssarrrrap mamuhay sa PILIPINAS!!! ‘Yan ang dahilan kung bakit masasabi ng ibang lahi, napakaganda at kakaiba ang ngiti nating mga PINOY. - Ore L. Hendive