Bawa't hirap, may katapat palagi na ginhawa
Si Marvin Dela Cruz, taga Lambakin, San Miguel, Bulacan, 27 years old, ay nagtrabaho muna sa SM, at sa Cowboy Grill sa Mabini bago napadpad sa Dubai. Ngayon ay maswerteng namamayagpag s'ya sa Cardiff, Wales sa UK bilang supervisor ng Spiceroute restaurant doon. Narito ang kanyang kwento: Kapuso, Of the many Filipinos who dream of working abroad, I may say that I am one of the lucky ones. I am now here at the United Kingdom. I am not a nurse, doctor, or a diploma holder who can come here and work. I am just a typical Filipino guy who didnât finish my studies because of poverty. Pero hindi naging sagabal sa akin ang hirap ng buhay para mangarap. Sa awa ng Diyos, mula sa pagtatanim ng palay tuwing tag-ulan at paggapas ng palay tuwing anihan, nandito ako ngayon sa England, (bilang) supervisor sa isang restaurant na mabilis umunlad dahil sa serbisyong totoo mula sa dalawang Filipino na pinagkatiwalaan ng isang negosyante na nakilala ko lang dito mismo sa England ng dumating ako dito. Malungkot ang istorya ko sa buhay, pero naging hamon âyon sa akin para labanan ang hirap ng buhay. Napagbintangan ang tatay ko na pumatay ng kapitan ng aming baranggay sa San Miguel, Bulacan. Nawala lahat ng aming ari-arian, ipinambayad sa mga abogado na nagtanggol ang aking ama. Nang manalo kami sa kaso, pinasasampahan ng kontra demanda ng mga abogado ng tatay ko ang kalaban para mabawi namin ang lahat ng nagastos namin sa kaso, pero tumutol ang aking ama sapagkat biktima lang din daw ang pamilya ng napaslang na kapitan, Madali lang daw makikita ang pera pero ang dangal na muntik na mawala sa kanya eh mahirap hanapin. Kung may isip lang siguro ako that time sinisi ko ang tatay ko kasi hindi kmi nakapag-aral na magkakapatid dahil naubos lahat ng ari-arian namin. Pero hindi ko pala dapat sisihin ang tatay ko dahil ang Panginoong Diyos ang makapangyarihan sa lahat. Pagkatapos ng lahat ng pang-aalipusta ng mga tao sa amin nung time na napagbintangan ang tatay ko, sabi ng tatay ko tawanan nâyo lang lahat yan mga anak, may awa ang Diyos, malalampasan din nating lahat ito. Eto na nga yung time na sinasabi ng tatay ko...After my high school, I went to Manila to find a job to help my family to pursue the studies of my five younger brothers and sister. I got job from SM, and then, I worked in a restaurant (Cowboy Grill, Mabini). My career started there. Then, I went abroad. In Dubai, UAE, I was so lucky because I got to work in Burj Al Arab Hotel. First job ko abroad, seven-star hotel pa. âYun ang naging daan kung bakit ako nandito sa UK ngayon. Mahabang kwento, next e-mail ko na lang ikukwento. Sa tagumpay sa buhay, kailangan ay abilidad, tiyaga at pananalig sa Diyos. Ang buhay ay pakikipaglaban. Kailangan alam mo kung paano gamitin yung talento na ibinigay sa âyo para magamit mong panlaban sa hirap ng buhay. Ako nga pala si Marvin Dela Cruz, taga Lambakin, San Miguel, Bulacan, 27 years old I am now here in Cardiff, Wales. Please view the restaurant I am working in: www.spiceroute.eu