ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

OFW comes home to bury his dad


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mahal na mga kapuso How many of us working in different parts of the world had the chance to go home. I'm sure you remember the feeling how it was. You felt the blood rushing through your veins as the plane you're in gets closer and closer. The adrenalin rush keeps pumping, giving you goose pimples. The moment the airplane's tires touched the runway, you can't help but clap your hand. You can't wait for the door to open and rush outside to see your love ones. Some kababayans were lucky to have experienced these feelings not only once, but twice, or more. For others, it was a luxury and still remains as a dream still to be fulfilled someday. Going home brings a variety of emotions. I have embossed mine in the poem you are about to read. Hopefully, nobody out there will experience the same. - Rod PAGLULUKSA ni Rod Alcoriza Mata’y nakatingin sa dakong kanluran Kanyang minamasdan palubog na araw Kay gandang tanawin ngayon ay mapanglaw Matingkad na kulay ngayon ay mapusyaw. Paa’y inihakbang tungo’y paliparan Mabagal ang lakad hakbang dahan-dahan Mata’y nanlalabo, luha’y sinasakal Masikip ang dibdib malamig ang kamay. Dati kung umuwi galak umaapaw Bakit ngayo’y lungkot ang nararamdaman Hangin sa paghinga ay para bang kulang 'Di makapagsalita tuyong lalamunan. Kanyang ala-ala’y muling binalikan Nagdaang kahapon noong kabataan Sa kanyang paglaki sinong naging gabay Sino ang humubog sa murang isipan. Kahit na ang buhay ay hindi perpekto May bahid ng hirap habang tumatakbo Lamang ang ligayang naging dulot nito 'Di nito napigil pag-ikot ng mundo. Nang paa’y tumuntong sa sariling bayan Lalo nang bumigat ang bawat paghakbang Nais n’yang umatras nais n’yang iwasan Ano ang gagawin sa lantang katawan. At hindi nagtagal ay kanyang sinapit Ang lumang tahanang ngayon ay malamig Kanyang lalamunan ay waring natinik ‘Di makapagsalita, hindi makaimik. Mainit ang araw at siya’y pawisan Ngunit bakit lamig ang nararamdaman Manhid pa ang isip pagal ang katawan Lungkot at hinagpis naging kaulayaw. Marami ang tao nang siya’y dumating Kanyang pakiramdam lahat nakatingin Ang lahat ng ito ay hindi n’ya pansin Mata’y nakatuon sa iisang tingin. Siya’y sinalubong ng mga kapatid Pawang lumuluha, masikip ang dibdib Ang ina’y sumugod, yakap ay kay higpit “Anak ang iyong ama mata’y ipinikit." Maalog ang tuhod halos ay maluhod Waring nahihilo mundo’y umiikot At sa bawa’t hakbang parang nauuyot Distansyang kay lapit halos ‘di maabot. Sa wakas sinapit higaang ataul Patay na katawan doon nakaburol Sa munting salamin mata’y itinuon Luha’y sinisikil pigil sa pagbalong. Sa hapis na mukha ay kanyang nakita Sobrang paghihirap dinanas ng ama Sa tagal ng sakit dami ng opera Sa wakas, sa wakas, tapos na, tapos na. Siya ay lumuhod sa tabi ng ama Ulo’y nakayuko, kamay nakadipa Masikip ang dibdib, hirap sa paghinga Mata’y nag-iinit pigil sa pagluha. “Tatay ko, o tatay ako’y patawarin Sapagkat nabalam ang aking pagdating Bagaman at huli ako’y nakarating Aking katayuan sana’y intindihin." Sa tuyuang labi ay kanyang inusal “O mahal na Ama, tatay ko’y lumisan Kanyang kaluluwa Inyong alagaan O mahal kong tatay, paalam, paalam…."