ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Remembering dad


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
My name is Len and currently working as IT professional here in Thailand for almost 3years. Yearly, I visit my family in Cavite. But this year, I went back back home twice because my father was sick and he peacefully died three months ago. I have some poems I wrote for him, I am hoping that you still have available space to publish them. I will appreciate it a lot. Salamat po. ** 'Tay dumating ako at sinalubong mo ng tanong "ba't ka umuwi?", ang drama mo. kunwari ka pa, ngunit alam kong nagalak kang makita ako muli. salamat sa panahong nakasama kita mga huling araw na naalalayan ka inaalam ang pangangailangan mo, naka-kwentuhan ng hanggang madaling araw tulad ng dati, bago ka matulog sa gabi tungkol sa mga bali-balita sa pulitika at mga artista sa dyaryo, tsismis tungkol sa buhay ng dati mong mga kaibigan at nakasalamuha. salamat sa mga ngiting iniwan mo, sa mga birong ikaw lang ang nakagagawa, sa kwento ng tikbalang nung ika'y binata pa, sa mga maling ingles na nakatatawa, sa mga prinsipyo mo sa buhay, at sa pagiging matatag mo lalo na sa oras ng kawalan. hindi ko kalilimutan ang mga alaala mo kapag ako'y nagpapanggap na tulog at iyong binubuhat noong ako'y bata pa, ang nag-iisang palo dahil sa kakulitan ko, pasalubong na 'balot' na iniiwan mo sa kama habang kami'y tulog. ang panlilisik ng mga mata mo pagkakita sa una at pangalawang manliligaw ko, lalo na nung ilang araw akong wala sa bahay dahil sumama sa mga kaibigan. sa gatas na iniabot mo habang tinatapos ang thesis ko, ang debut na pinagkagastusan mo, ang pakunwaring galit bunga ng takot noong ako'y nadulas at nahulog sa hagdan. ang mga nakatatawang nangyayari sa 'yo, kapag ika'y lasing na lasing, ang pagpapaalala mo sa akin tuwing may palabas sa tv tungkol sa mga idol nating sina Jaworski, Manny Pacquiao at Efren Bata Reyes. ang argumento natin tungkol kay Erap, Gloria at Poe, at mga samut-saring kwentuhan tungkol sa iba't-ibang bagay. batid kong higit kang masaya ngayon ang pananalig mo sa Kanya ang nagpalaya sa dinanas mong sakit dito sa lupa sa tabi at yakap ko nakita ko ang ligaya at payapa ng paglisan mo. dito ka palagi sa puso at isip ko ang alaala mo ay hindi mawawala, sa panaginip natin itutuloy ang dating kuwentuhan, sa langit tayo'y magkikitang muli sa takdang panahon... *************** Panaginip natutuwa akong makita kang muli suot ang polong kulay pula at puti naroon ka sa bahay nakatayo sa isang tabi walang ibang nakakita kundi ako. banaag ang ligaya sa 'yong mukha sinabi kong humayo ka na't wag mag-alala sa amin. sa aking panaganip ramdam ko pa rin ang init nang damhin kong muli ang 'yong mukhang may mga ngiti sa labi.