ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Buhay ng Pinoy teacher sa Oman
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tubong barangay Laturan, Libona, Bukidnon si Dr. Orlando W. Eduria at ngayon ay masaya siyang nagbabahagi ng kanyang kaalaman sa mga estudyante sa Oman. Hello, Salamat at meron kayong e-mail. At least masaya na rin ako na maibahagi ang kalagayan ko dito sa Oman. Nagtuturo ako dito sa Oman sa isang Collegio ng Gobyerno. Maganda naman ang sahod, pero ito'y isang hamon na kaya ng Pinoy ang magturo sa ibang bansa. Hindi madali ang magturo dito pero ito na ang masasabi kong profession na pwedeng ipagmalaki ng Pinoy. Iilan lang kami dito pero naibahagi namin sa mga Omani ang tunay na kahulugan ng edukasyon at kung bakit kami nandito sa bansa nila. Hindi lang naman sa pera, pero gusto ko na maibahagi kung paano maging isang responsableng mamayan para mas umunlad pa ang kanilang bayan. Mayaman ang Oman dahil lahat ng estudyante dito libre ang pag-aaral sa gobyerno, at may allowance pa sila. I am proud na Pinoy ako, at least I am able to help educate the Omani youth. Ito na ang pinakamahalagang bagay na nangyari sa buhay ko. At least nakatulong din ako sa family ko kahit papaano. Hindi man madali ang trabaho dito, ang importante nakatulong kami sa pag-unlad ng ating bansa.
More Videos
Most Popular