ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Kayod-kalabaw


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kayod-kalabaw Akda ni: Abdullah Kamsa Ako'y napabalikwas at napamulat Nag-iisip ng malalim nang labi'y biglang nakagat Totoo nga ba ang lahat? Ako ay nasa ibang bansa at nagbabanat? Tinitiis ang lahat ng hirap Mga pasanin ay 'di hinaharap Isinasantabi ang buhay na kaysarap Makamit lamang ang mga pangarap. Dito'y kayod-kalabaw ang ginagawa Upang kumita ng malaking halaga Nang sa ganoon ay makapagpapadala Sa iyong mga mahal sa buhay na umaasa. Minsan mapaluha ay 'di maiwasan "Homesick" kanilang katawagan Itong kalungkutang nararamdaman Para kang sasabog na 'di maintindihan. Ngunit ika nga ng karamihan Kung sa pamilya ang pinag-uusapan Kahit ano mang sakit ang pagdadaanan Ang lahat ng iyan ay makakalimutan. Kaya para sa pamilya naming minamahal Mga katulad namin ay dapat n'yong ikararangal Kami'y inyong ipangalandakan sa mga hangal Sapagkat tunay na mga bayani na puwedeng idaldal.