ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Adbentyurs op Batotoy, Tsapter 3
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Da Adbentyurs op Batotoy, Tsapter Tri Da Opis Ni: Gag Ong At dahil katatapos lang ng beta release ng manunulat na si Gag Ong, inantok na naman ang walanghiya kaya ito nagsusulat na naman siya ng mga walang kwentang bagay. Adik! Yan malamang ang sasabihin sa kanya ng kanyang mga kaibigan na makakabasa nito. Sa pagpapatuloy ng kwento ng adbentyurs ni Batotoy, tutungo tayo sa kumpanya kung san siya idineploy na itatago natin sa pangalang Company XXX. Pangit pakinggan âno? Parang porn. Maganda ang environment sa XXX, mabait ang boss, okay ang mga kasama sa opisina at maganda ang trabaho kasi natututo na si Batotoy nag-e-enjoy pa siya sa kanyang ginagawa. Idagdag pa rito ang magandang opismeyt na katapat lang niya. Sa madaling salita, naging magandang pampalubag loob ang XXX para sa kanya. Sa lahat ng ito, si Batotoy ay namangha. Bakit? Kasi kung anong higpit ng mga kumpanya sa Pinas, ganong luwag naman sa kanyang pinagtatrabahuhan. Pwedeng mag- IM, pwedeng mag-download, at marami pang iba. Karagdagan pa sa katuwaan ni Batotoy ay ang mga kaopisina niyang Hapon. Anjan ang 1 oras na yosi break, ang natutulog na kunyaring nag-iisip, ang nagta-type nang natutulog, busy kunyari pero tumitingin lang naman sa isang game site, ang mga kagrupo na kundi PS2, PS3, DS, PSP games ang pinag-uusapan ay nag-uusap sa latest na mga anime. Ibang-iba ang environment kapag ang mga Hapon ay nasa Pinas. Naisip niya na masyadong seryoso at madalas napapanisan ng laway dahil kahit ngiti ay ilap sa kanila. Kakaiba din ang trato ng mga ka-opisina niya sa kanya. Mataas ang respeto sa kanya ng mga ito. Kahit hindi siya magaling mag-Nihongo, siya pa rin ang madalas lapitan ng maraming Hapon kung me tanong sila or problema sa kanilang ginagawa. Natutuwa rin si Batotoy dahil âdi lumilipas ang isang linggo na hindi siya nabibigyan ng souvenir ng mga opismeyt niya na umuuwi sa kanilang probinsiya. Anjan ang tsokolate, biskwit, mani, tsaa, at marami pang iba. Meron ding mga kaopisina na gustong-gusto siyang kausapin dahil gusto nilang maging bihasa sa pagsalita ng Ingles. Minsan gusto niyang matawa dahil sa pagpupumilit ng ilang Hapon na mag-Ingles pero naisip niya na ganun din naman siya sa lingwaheng Hapon kaya sinabi niya sa mga ito na kausapin siya sa Ingles, at siya naman ay kakausapin sila ng Nihongo. At sa bawat pag-uwi ni Batotoy sa kanyang bahay, na parang bahay ni Sadako, siya ay masaya at malaki ang pasasalamat dahil sa gitna pala ng kadiliman ay may liwanag din. Sa bingit ng panghihina ng loob ay may pag-asa. Abangan sa susunod na tsapter, Da Tren. -- Best Regards, PJ Felicita Japan
More Videos
Most Popular