ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Misis na maysakit, napabayaan ng mister na OFW


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ako po si Au Jose. Hindi ko po alam kung may dapat po bang kapulutang aral sa kwentong ito, pero dalawang bagay po ang dahilan ng pagsulat ko sa inyo. Una ay para na rin mamulat ang ilang ama sa nasa ganito ring sitwasyon. Pangalawa ay para humingi na rin ng tulong. May pinsan po ako, s’ya ay si Laura Silahis na ang asawa po ay nagtatrabaho sa Saipan sa napakatagal na ring panahon. Si Laura po ay medyo ‘di kagandahan ang panlabas na anyo dahil po sa mga bukol na taglay n’ya sa buo n’yang katawan hanggang dumating sa puntong naging cancerous na po ang mga bukol na ‘yun, at naging dahilan para alisin ang isang braso n’ya. Noong una, okay pa po ang sustento ng asawa n’ya sa kanila pero ‘di nag-laon, medyo naging madalang na. Anim po ata ang anak nila, ni isa ay walang natapos sa pag-aaral.kaya po grabe talaga ‘yung paghihirap na dinaranas nila. Ang matindi pa po ngayon ay may sakit daw po sa baga si Laura. Ngayon, ‘yun po ang dahilan kung bakit ko nagawang sumulat sa inyo. Ito lang po ang alam kong pwedeng maiitulong sa kanila. Talaga lang pong matindi ang habag ko sa sitwasyon nila kaya ako po'y nagsusumamo sa inyo na baka pwede po ninyo silang tulungan. Sila po ay nakatira sa Lecheros St., Tondo.