ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Adbentyurs op Batotoy, Tsapter 5
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Da Adbentyurs op Batotoy, Tsapter Payb Da Retarn Ni: Gag Ong Muli tayong magpapatuloy sa adbentyurs ni Batotoy. Subalit kayo ay pangungunahan ko na, ang mga susunod niyong mababasa ay may kadramahan ng konti na pangyayari. Kung ayaw n'yo ng mga kadramahan ay mas maganda na 'wag nang basahin ang tsapter na ito. Nang makita ni Batotoy ang kanyang payslip para sa buwan ng Enero, nanlaki ang kanyang mata! At sino ang mag-aakala na ang payslip ang magiging mitsa para sumabog itong si Batotoy. Bakit kamo? Ikaw ba naman makakita ng 6 na lapad(60K yen) na kaltas sa sweldo mo e, malamang maghurumentado ka rin. 'Di na nakatiis si Batotoy, kaya pagkatapos ng trabaho niya sa kanyang Deployment site pinuntahan niya ang company (itago nating sa pangalang Albah Tech) na nagdeploy sa kanya. Pagdating ni Batotoy sa opisina ng Albah Tech hinanap niya agad ang alagad ni Bakero na itatago na lang natin sa pangalang "Nou Sei" at katulad ng pangalan nito ang madalas isagot nito ke Batotoy pag me request ay "No Say" daw siya at itatanong daw niya muna kay Bakero. Ipinakita ni Batotoy ang kanyang payslip at itinanong kung bakit 6 na lapad 'yung kaltas sa sweldo niya, ang sagot ni Nou Sei ay "tax at insurance tsaka pension." Dun na talaga sumabog si Batotoy. Nagsigawan na si Batotoy at si Nou Sei. At para sa malaman niyo ang laman ng kanilang sigawan, ang mga sumusunod ay ang transcript ng kanilang sagutan: Batotoy: Mga G*g* kayo! Mga manloloko!(Tagalog niya sinabi) Nou Sei: Wakarimasen( Di ko naiintindihan) Batotoy: Ala sa usapan ang mga deductions niyo sa amin, 'yung bills, 'yung insurance, etc. Dapat kumpanya me sagot ng mga 'yun.' Yun ang contract ko sa inyo. Nou Sei: Ang kontrata sa Pilipinas iba sa kontrata dito. Batotoy: Ah ganon ha! Ito sa inyo! I resign! Pagkatapos bitawan ang salitang 'yun ay umuwi na si Batotoy. Habang nasa tren siya, iniisip niya na sa kanyang pagbitiw sa trabaho ay babalik na siya sa Pilipinas na ang bitbit ay mga wasak na pangarap. Hindi nakatulog si Batotoy buong magdamag sa kaiisip kung tama ba ang kanyang ginawa na pagre-resign. Inisip niya ang kanyang anak, ang asawa, ang mga kapatid na pinag-aaral, ang pangako na iaahon ang kanyang pamilya. At sa puntong iyon ay naisip niyang siya ang talo sa labang ito at duon tumulo ang luha sa kanyang mga mata, luha ng pagkatalo. Kinabukasan, ipinatawag si Batotoy sa Albah Tech ni Bakero. Nang makita ni Batotoy si Bakero gusto niya itong sakalin subalit ala na siyang lakas dahil sa sobrang panlulumo. Iniabot na lang niya ang kanyang resignation letter kay Bakero. Ito namang Bakero nakuha pang manakot na "alam mo ba ginagawa mo ha?! di ka na makakapagtrabaho ulit dito?" Gusto pa sana sumagot ni Batotoy ngunit ala na siyang gana makipagtalo. Ang tanging lumabas na lang sa bibig nito ay "Ah ok." Makalipas ang isang buwan mula ng pagpasa ng resignation letter ay nasa Narita na muli si Batotoy. Pabalik na siya sa Pilipinas. Bitbit niya muli ang dalawang maleta niya at kung tinitimbang ang kalooban ay sigurado overload si Batotoy sa bigat ng dala niyang wasak na pangarap. Dumating ang eroplanong sinakyan ni Batotoy sa NAIA ng alas-9 ng gabi. Paglabas niya ng airport ay nag-aantay na ang kanyang asawa at anak. Niyakap niya ang asawa ng mahigpit at naluluhang sinabi na "Mommy, talo ako sa laban ko. Laban ko na makaahon. Talo ako mommy..." 'Di malaman ng asawa kung ano ang sasabihin niya, buti na lang naalala ng asawa ni Batotoy ang sinabi sa isang palabas na napanood niya. At 'yun na nga ang sinabi ng asawa ni Batotoy sa kanya "Daddy, every man, at some point in his life, is gonna lose a battle. he's gonna fight and he's gonna lose. But what makes him a man, is that amidst that battle he does not lose himself." Aba, kaloka at English pa, ha. Naisip kasi ng asawa ni Batotoy na baka alang dating pag Tagalog. At dahil sa mga narinig ni Batotoy, nabuhayan siya ng loob. Naisip niya na tama ang asawa niya. Inisip niya na kelangan niyang umahon mula sa pagkatalong ito para na rin sa kanyang pamilya. At alang oras para magmukmok kundi alang mangyayari sa kanila. Tunay nga na minsan, masalimuot ang mga bagay na pagdaraanan natin. Subalit, hangga't tayo ay humihinga may pag-asa. Best Regards, PJ Felicita
More Videos
Most Popular