Magkapatid: Isang Pinoy, isang Hapon
Ako po si Rosana ng Japan. Gusto ko po sanang i-share sa inyo ang naging buhay ko dito hanggang sa istorya ng aking anak. May anak po ako sa Hapon pero magkaiba sila ng nationality. Kung bakit nagkaganito ay sa dahilan na ang batas ng Japan ay napakaramot para sa mga dayuhan na tulad namin. Okay lang bang ipagpatuloy ko ang kwento ko? Tulad ng ibang kababayan natin, kailangan kong magsakripisyo para magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga anak ko sa Pinas. Ibig sabihin, ang pansamantalang paghihiwalay naming pamilya ay âdi ko inaasahang magiging tuluyan na nang dahil lang sa krisis sa buhay. Umalis ako bilang entertainer at ang asawa ko ang naging taga-tingin sa mga anak namin (âdi kami kasal) pero sa âdi ko inaasahang bagay ay âdi ako nakauwi kahit tapos na ang kontrata ko na six months. Matapos ang dalawang taon ay âdi pa rin ako nakauwi ng Pinas. Hanggang nalaman ko na lang sa anak ko na may bago na raw silang mama. In short, may asawa na raw iba! Hay naku, nakagigigil nung mga time na âyun. Syempre kailangan kong tumingin sa kasalukuyan kaya mula sa simpleng pangarap na nawasak, kailangan kong mangarap ng bago. Hanggang nakilala ko ang ama ng aking mga anak na Hapon. Kami'y nagkagustuhan at nagmahalan, hanggang magbunga ang aming pagmamahalan (he he he!makata ba?) nang ipinanganak ko na ang bata. Heto na ang problema. Pumunta kami sa city hall para maiparehistro ang bata. Syempre anak sâya ng Hapon kaya inakala kong Japanese nationality sâya, pero laking gulat ko nang sinabi nilang hindi Hapon ang anak mo kaya isulat mo sa alphabet ang name nâya. Pero nakipagdiskusyon ako dahil may recognition mula sa ama ang bata. Ninchiang ang tawag nila dito. Ngunit ayon sa batas nila, bago pa isilang ang sanggol ay kailangang i-recognize ito at i-submit sa city hall, or fetus pa lang ang bata ay kailangang gawin na nito ng tatay (ninchi) kaya shocked ako nun. So, labag man sa loob ko ay tinanggap ko na rin. Hanggang nasundan ng pangalawa ang anak namin. Syempre mula sa panganay ay alam ko na ang procedure, kaya naman ang bunso ay Japanese nationality. Kaya nga pag umuuwi kami ng Pinas ay maramimg tanong kasi magkaiba sila ng passport, kahit na magkapatid sila. Minsan pa nga naitanong sa akin ng teacher nila nun sa kinder kung magkaiba ba sila ng ama? Ay Dios mio po! Kasi magkaiba ng apelyido, kaya nga sa ngayon ay nag-apela kaming mga nine mothers para bigyan ng Japanese nationality ang aming mga anak na may recognition mula sa amang Hapon. Noong 2005 kami nagsampa ng demand dito sa district court at dininig naman ng korte na nararapat lang daw na maging Japanese nationality ang aming mga anak dahil may ninchi nga o recognition mula sa ama nila. Ngunit pagkatapos ng 10 araw ay umapela naman ang kabilang panig na kailangang kasal muna ang ina sa tunay na ama ng bata before maging Japanese nationality. Ang problema nga kung hindi pwedeng magpakasal ang ama? Mostly sa nine members ay âdi na makita ang mga ama, pero may ninchi (o recognition) ang mga batang ito from their father. Sa sitwasyon ng aking anak, they have the same father pero different nationality silang dalawa. Itâs so strange âdi ba? Sa akin lang naman, hindi sila dapat ang nagsu-suffer nang dahil lang sa batas nila. At alam nâyo ba na marami pa rin ang âdi nakakaalam sa ating mga kababayan dito na may ganito silang patakaran (ninchi o recognition sa ama) kaya âyung iba ay umuuwi ng buntis sa Pinas ng âdi nila napapa-recognize ang anak nila kasi nga âdi nila alam ang procedure na ito. Even ang mga Hapon mismo ay âdi nila alam na may ganito silang batas! At eto pa ang nakaiinis. Pag ang foreign male na nagkaroon ng anak sa Haponesa, kahit âdi sila kasal, otomatiko na Japanese nationality ang anak nila! âDi ba unfair sa aming foreign women? Hay naku po! Sa ngayon ay tinanggap na ng Supreme Court ang apila namin. Maging mga media ay nakatutok sa campaign na ito, but hopefully will go in our favor. If this happens, thousands of Japanese-Filipino children who were abandoned by their Japanese fathers will be able to reclaim their nationality and thus will change the course of their future. At hindi man naging successful ang una kong pangarap para sa una kong pamilya ay this time naman ang dream ko ay para sa lahat ng mga batang katulad ng anak ko ay mabigyan ng tamang trato ukol sa batas para sa magandang kinabukasan ng kanilang henerasyon. At ang pangalawa ay gumanda na rin sana ang sistema ng ating bansa (economic) para âdi na madagdagan ang mga nawawasak na pamilya at mabawasan na dito ang trafficking sa mga kababaiihan. Mahaba pa sana ang kwento ko kaya lang pag may naaalala ako ay nadadala ako o naiiyak kaya dito na lang po muna. Sana ay kapulutan ng mga kababayan natin, bilang information na din ito para sa kanila. Maraming salamat po! Ang inyo pong fan, Rosa