ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Pasko sa Pinas, walang katulad
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Haay... PASKO SA PINAS na walang katulad... Napakasarap magdiwang ng Pasko sa ating sariling bayan. Kapiling mo ang mga mahal mo sa buhay, hindi man marami ang nakahain sa lamesa, sapat na kapiling mo sila. Ang makarinig ka ng mga awiting Pamasko na kinakanta ng mga bata sa labas ng iyong pintuan.. Mga ilaw na kumukiti-kutitap at mga parol na naggagandahan at naglalakihan... Ang simoy ng hangin at ang amoy ng puto bungbong at bibingka... Nakakamiss ang lahat... mahirap man ang kalagayan namin sa ibang bayan pero nanatili sa amin ang diwa ng Pasko at ang magpasalamat sa Poong Maykapal. Maligayang Pasko sa inyong lahat... Luie ng Tokyo, Japan - GMANews.TV
More Videos
Most Popular