Are OFWs for sale?
Greetings from Nigeria, West Africa! Unang una po, gusto kong batiin at pasalamatan ang lahat ng bumubuo ng GMA Network for their efforts to bring us the latest news and updates about what is happening in the Philippines and also about those that are happening outside the Philippines especially about us, OFWs. Halos araw-araw po nagbubukas ako ng website n'yo lalo na sa column ng Pinoy Abroad dahil gusto ko rin pong malaman ang mga nangyayari sa mga kapwa ko OFWs sa ibang bansa. Minsan po natutuwa rin ako sa mga isinusulat nila tungkol sa kanilang mga karanasan at nararanasan sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan pero kadalasan po ay talagang nakakalungkot dahil mas marami talaga ang malulungkot at hindi magandang nangyayari sa karamihang kapwa ko OFWs. Minsan pa napapaiyak ako kapag nababasa kong meron na namang pinatay o minaltrato, inabuso, hindi pinapasahod, at iba pang mga hindi makataong ginagawa sa mga OFWs. Damang-dama ko ang kanilang pinagdadaanan dahil isa rin akong OFW. Siguro nga hindi ito lubos maintindihan ng mga taong hindi pa nakaranas maging isang OFW lalong-lalo na ang mga corrupt government officials natin na nag-eenjoy lang sa perang ninanakaw nila mula sa bulsa ng mga mamamayan lalo na sa aming OFWs. Nakakapanggigil na nakakainis isipin na habang kaming mga OFWs ay buhay ang nakataya just to survive in life and help our families and loved ones back home, our government are just enjoying the benefits they are getting from us and not even thinking about our welfare in the foreign lands. Ginagawa pa kaming bobo para paniwalain na gumagawa sila ng mga programa para makatulong sa amin. Anong tulong ang ginagawa nila? Unang-una, ang pag-impose nila ng total travel ban dito sa Nigeria pati na rin sa Iraq, Afghanistan at Lebanon. They know it perfectly well kung ano ang idudulot nito sa aming may mga maaayos na trabaho dito pati na rin sa iba pang may mga opportunity pa sanang magtrabaho dito but what they are doing? They are just playing deaf and dumb to our appeals to lift the ban kesyo magulo raw dito at hindi safe. Bakit, maitanong ko nga kay Mr. Brion, saan ba ang safe puntahan? Saan ba, sabihin mo nga? Kahit nga d'yan sa Pilipinas magulo at hindi safe eh akala n'yo ba? Sa totoo lang minsan parang mas safe pa nga dito kumpara d'yan eh. Sa mga nangyayari d'yan sa Mindanao gaya ng pagdukot at pagpatay sa paring si Fr. Reynaldo Roda, pangingidnap at pamumugot ng ulo ng mga Abu Sayyaf at iba pang krimen, paano ba nila maipaliliwanag ito? 'Yung Sulu massacre at pagdukot sa negosyanteng si Marie Rosalie Lao, anong masasabi ng DFA, POEA at DOLE dito with regards sa safety at peace na sinasabi nila? Ilan nga lang 'yan sa libo-libong krimen na nagaganap d'yan araw-araw, hindi ba? Kaya minsan mas natatakot pa akong umuwi d'yan. Dito sa Nigeria na sinasabi nilang magulo at hindi safe, ni minsan ba may narinig silang pinugutan ng ulo na OFWs na kinidnap? Halos lahat po ng nakidnap dito ay maayos na nakauwi d'yan. Ito ang katotohanang ayaw pansinin at tingnan ng DFA, POEA, at DOLE. Ngayon, punta naman tayo sa latest issue ngayon tungkol sa bagong policy ng direct hiring sa mga OFWs. You know what, dapat ang subject dun sa MC-04 na 'yun: â OFWs FOR SALE, $8,000 ONLY ! 'Di ba ito ang mas angkop na itawag d'yan? Ano ba sa akala nila ang ibig sabihin nito? Kung ang employer ay nagbayad na ng $5,000 repatriation bond at $3,000 performance bond, ibig sabihin para ka na n'yang binili sa bansa mo at kahit abusuhin at patayin ka na lang n'ya wala na s'yang problema dahil nabayaran na n'ya ang repatriation bond mo. Ito pa, kung ikaw ay sasahod lamang ng $200 a month gaya ng mga home services employees, sa loob ng halos 3 years magtatrabaho kang walang sahod at hindi mo mapipilit na pasahurin ka ng employer mo dahil nagbayad na s'ya sa gobyerno natin. Ngayon, how could they say that this memorandum aims to protect us, OFWs? Only idiots will believe that. Pasensya na po kung medyo masakit ang iba kong salita. Ang sama lang kasi talaga ng loob ko dahil masyado na nilang ibinababa ang tingin sa aming mga OFWs. Ginagawa nila kaming tanga. Kaya mababa na rin minsan ang tingin ng ibang bansa sa ating mga Pilipino dahil ang sariling pamahalaan natin mismo ang nagpapababa ng integridad nating mga Pilipino. Pinagtatawanan tayo ng ibang bansa. Minsan nga pag may nagtanong sa akin kung saang bansa ako galing parang ayokong sabihin na ako'y galing sa Pilipinas kasi baka bababa lang ang tingin sa akin, lalo na dito sa Nigeria na mataas ang tingin sa mga expatriates. Alam n'yo sa totoo lang, maraming mga companies dito na gusto i-hire ang Filipinos because we have established the impressions here that Filipinos are honest, hard-working, sincere and dedicated towards work. But we always feel dismayed every time we hear these things our government agencies are doing. It was so unfair and disappointing. With all these things, sometimes I feel Iâm not proud of being Pinoy anymore. My love for our country slowly fades. If itâs not only because of our families who were left there in the Philippines, weâre not already excited to go back there. Lastly, I just pray that the God of all possibilities will be going to touch the hearts of our government officials and that they will realize that our life doesnât end here. That money is not everything in life and not everything money can buy. I also hope and pray that they will going to realize that happiness and joy through sincere service to their fellowmen is far more than any amount of money or any material possessions they may acquire. They should only remember one thing: weâll all going to die and after that the judgment. All of us will going to give accounts before God of everything we have done here on earth. I just hope they will be prepared to account for their own before itâs too late. Thanks and God bless to GMA Network⦠Truly youâre a Kapuso! Naija Nigeria - GMANews.TV