ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Bakit hindi magkaisa ang Pinoy?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hi po, Grabe naman pala now sa Pinas, wala na bang katapusan ang mga bangayan sa ZTE na 'yan? May korte po tayo para ma-solve ang problema, bakit lagi na lang dinadala sa kalye or daan, anu pang silbi ng korte natin kung hindi gagamitin? Ganyan na ba talaga tayong mga Filipino? Sana naman magbago na at 'wag magdala or magpagamit sa mga may masamang balak sa gobyerno lalo na sa mga kritiko ng Pangulo. Kung tutuusin hindi naman gugulo or walang magpoprotesta sa daan kung walang nag-uutos. Sila mismo or kung sino pa ang nasa gobyerno sila pa ang nanggugulo. Hindi na lang nila ilagay sa tamang lugar. Lahat marunong, lahat gustong umupo. Ano ba? Ganyan na lang ba tayo? At isa pa, may nagawa man mali or wala ang ating Pangulo, dapat naman po galangin naman natin siya. Administrasyon man or oposisyon, lalo na sila, lahat marunong, lahat gusto umupo! Nakaka-sad naman 'yan, kaya kung minsan ayaw na naming manood ng balita dito kasi puro gulo na lang ang nakikita at naririnig namin. Kaya hindi umaangat ang bansa natin dahil sa mga ugaling hindi na Filipino ang tawag dun eh, ugaling walang pagkakaisa! CBCP, pati 'yan sumasali pa. Ba't 'di kaya pag-isain ang mga taong bayan or kapwa Filipino, mga pari pa naman sila, eh pati nga sila pumupunta saan eh, gawain ba ng isang pari 'yan? Kung saan ang may masamang balak dun sila, ba't kaya hindi himukin ang mga tao na magkaisa at sabihin may korte tayo at doon na lang natin dalhin, hindi 'yung sa daan or kalye pa, kaya kung minsan nawawalan ng galang sa mga pari dahil sa mga ugali nilang 'yan eh. Sabagay pati nga mga pari ngayon nasa pulitika na at may nakaupo pa sa gubyerno! 'Yun lang po ang nais kong iparating, kasi nakakasawa at nakakainis na ang nakikita namin at naririnig, wala nang pag-asang umangat ang bansa natin kung laging ganyan. Salamat po! Derick Korea -- GMANews.TV