ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kidlat at Kuryente: Lightning and Electricity Science


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
KIDLAT at KURYENTE Lightning and Electricity Science Air Date: July 29, 2012 | Sunday, 9:15am   Ngayong Linggo, aalamin ni Drew Arellano kung ano nga ba ang natatagong lakas sa likod ng mga KIDLAT!  Kasama ang ating Kapuso weatherman Nathaniel “Mang Tani” Cruz at Ka-AHAng physicist, aalamin ni Drew ang ilang AHAmazing lightning facts.    Pero ang tanong, paano nga ba nagkakaroon nito?  Iyan ang ipapakita sa atin sa isang interesting experiment!    “Lightning strikes twice in the same place”…totoo nga ba ito?  Bakit nga ba tinatamaan ng kidlat ang mga bagay, istruktura at maging ang mga tao?  Kilalanin din ang taong record breaker pagdating sa pagtama ng kidlat!  AHAlam n’yo ba ang building na tinatamaan ng kidlat 25 times a year?    AHA-lam mo ba na may paraan para maka-iwas ka agad sa  kidlat?  Alamin ang formula ngayong umaga!   At heto pa…kasing tindi ng kidlat ang galing nitong si Boobai a.k.a. KUR GIRL!  Paano nga ba tayo nakakanood ng AHA linggu-linggo sa ating telebisyon?  Dahil ‘yan sa kuryente di ba?  Mula sa planta hanggang sa kawad ng poste hanggang mapunta sa bahay n’yo…lahat ‘yan susundan ni Kur Girl para ihatid ang siyensya sa likod ng powerful electricity na ito!   At hatid din ng AHA! ang ilang tips para sa makaiwas sa panganib na hatid ng kuryente. Ano nga ba ang nagyayari sa balat ng taong nakuryente?  Ano nga ba ang dapat nating AHAlamin at tandaan? AHAbangan!
Tags: plug