ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

AHAdventure sa Samar: ang paghahanap ng diumano'y buto ng higante


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
AHA! AHAdventure sa Samar: ang paghahanap ng diumano'y buto ng higante Airing date: February 3, 2013 May mga buto raw ng higante sa Samar.   Kamakailan, naging usap-usapan ito sa Facebook nang kumalat ang isang online video na nagpapakita ng mga natagpuang buto at bungo sa isang kuweba sa Barangay Bacayawan, Borongan, Samar.  Mas malalaki at mahahaba raw ang mga buto, kaya sinasabing buto raw ito ng mga ‘higante!’  Posible kaya ’yun?   Samahan si Drew Arellano at mga eksperto sa isang misyon sa Samar upang bigyang-linaw ang misteryo ng mga naturang buto.  Babae o lalaki, bata o matanda, malusog o sakitin, ilan lamang ’yan sa mga impormasyon na maaari nating malaman sa pamamagitan lang ng pagsusuri sa mga buto. Ano naman ito? Mayroon daw isang binatilyong walang buto?!  Binansagang elastikid itong si Jino Suarez dahil kayang-kaya niyang pilipitin ang kanyang katawan. Nag-showdown pa sila ni Boobay! Pwede bang walang buto ang tao gayong ito ang nagbibigay ng suporta sa buong katawan? Susuriin natin nang maigi ang buto gamit ang mga high-tech na kagamitan at aalamin kung paano maiiwasang maging marupok at mahina ito. AHA-yos ang buto-buto ngayong Linggo, sa mas maagang oras ng AHA! na 9:00 ng umaga sa GMA.