ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sama na sa isang toy adventure sa 'AHA!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Maglaro, magsaya at matuto ngayong Linggo ng umaga kasa si Ka-AHAng Drew Arellano at ang mga makukulit na barkada!
 
Aalamin ni Foreignay Natalia ‘Sailor’ Moon ang iba’t ibang toys at action figures na paboritong kolektahin ng ating mga ka-AHA mula noon hanggang ngayon. Paano nga ba ang tamang pag-aalaga sa mga ito? Kapag nasira, ano ang tamang pagre-restore o pagkukumpuni ng mga ito?

Kikilalanin din niya ang ilang toy collectors na hindi lang pangongolekta ng laruan ang kinakarir, pati pagko-cosplay o pagbibihis na gaya ng kanilang paboritong toy at character collection!

Si ka-AHAng Boobay naman, aaralin ang proseso ng paggawa ng paboritong laruan na manyika. Bubusisiin din niya ang iba’t ibang kagamitan at accessories para rito.

At kung may dolls ang girls, may action figures naman ang boys na puwede rin nilang butingtingin at bihisan para maging mas AHA-stig ang dating at porma.

At heto pa, hindi lang sa TV o aircon patok ang paggamit ng remote control, pati sa toys at maging ‘toys for the big boys,’ remote-controlled na rin! Paano nga ba gumagana ang RC sa ating mga paboritong laruan?

Ano kaya ang mga intriguing question na sasagutin ni Drew sa ‘AHAng Tanong?’

TOYS ‘R AHA! Sunday 9AM sa GMA.
Tags: prstory