ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
True Horror Stories sa 'AHA!'
Ano kaya ang mensahe ng mga kaluluwang di matahimik sa mga kinatatakutang lugar? Si Boobay, may nakakakilabot na karanasan sa Baguio? Ano nga ba ang nangyayari kung sinasaniban daw ang isang tao ng masamang espiritu? Paano ito itinataboy?

May mga lugar na sadyang pinamumugaran daw ng mga ligaw na kaluluwa at espirito o kaya naman ng mga kahindik-hindik na elemental. Sa tulong ng mga psychic at paranomal experts, samahan si ka-AHAng Boobay na alamin kung paano nga ba malalaman kung ang inyong kakaibang nararamdaman sa inyong paligid ay may katotohanan o guni-guni lamang.


Nakakita na ba kayo ng taong sinasaniban diumano ng masamang espiritu o elemental? Ano ang pinagdaraanan niya? Alamin din natin ang masalimuot na proseso ng ‘exorcism’ o pagtataboy at kung paano ito isinasagawa.


Sa isang banda, totoo nga kayang may sumasanib na espirito o may paliwanag din ba ang siyensiya tungkol dito?
Matakot, mangilabot, at matuto sa AHA! kasama si ka-AHAng Drew Arellano, ngayong Linggo, 9am sa GMA.
More Videos
Most Popular