ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Siyensiya sa likod ng pagkatakot o 'fear,' tutuklasin sa 'AHA! October Shockers'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
AHA October Shockers
Episode 2
Sunday, October 11
8:15 AM sa GMA-7! 


Ano nga ba ang mga kababalaghang nagaganap sa isang warehouse kung saan nakadestino ang sekyu na si Drew at mga worker na sina Bedik at Ever? Abangan ang nakakakilabot at nakakabaliw sa kakulitan  na AHA! short film na pinamagatang “CCTV.”
 
 

 
Bakit nga ba tayo nakakaramdam ng takot? At ano-ano ang mga pinagdaraanan ng ating katawan kapag nakakaramdam tayo ng takot? Alamin natin kasama ang ka-AHAng si Coleen Perez na sasailalim sa isang makapanindig-balahibong ‘AHA! ex-FEAR-iment’. Tumagal kaya siya?
 
 

 
Sa darating na Undas, matapos magtirik ng kandila at mag-alay ng dasal para sa mga pumanaw na mahal sa buhay, tiyak na maghahanap ng mapaglilibangan ang marami. Kasama si Albert ‘Betong’ Sumaya, subukan natin ang ilang Halloween-inspired gaming apps na masaya nang laruin, swak pang pampalipas-oras ngayong Araw ng mga Patay.
 

 
 

Ano-ano ang mga kagila-gilalas na pangyayari na naganap ‘today in history?’ Balikan natin sa… ‘AHA: Time Machine!’
 
Isang buwang punong-puno ng lagim, kilabot, at kaalaman ang hatid sa inyo ng "AHA October Shockers!" kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.
Tags: prstory, plug, plugs, aha