Paano nga ba ginagawa ang mga Sci-Fi movie? Alamin sa 'AHA!' ngayong Linggo

AHA-lamin ang siyensiya sa likod ng mga kamangha-manghang tauhan, lugar at pangyayari sa ating mga paboritong sci-fi movies sa isang exhibit sa Mind Museum. At meron nga bang ‘forever’ sa isa pang ongoing exhibit sa dito na ‘Forever Lab?’ Tuklasin ang siyensiya tungkol sa aging o pagtanda. Saang bansa pinakamahaba ang buhay ng mga tao? Alamin din kung ano-ano ba ang mga paraan para mapahaba ang buhay.


Gaano kaya katalino ang mga sea lion? Ano-ano ang kanilang mga kakayahan at katangian na talaga namang AHA-mazing? Alamin natin kasama ang ka-AHAng si Maey Bautista.


‘Forever’ na raw ang mga hindi nabubulok na basura gaya ng plastic. Kaya imbes na itapon na lang ito nang basta-basta, tuturuan tayo ng mga Mad Sayangtist ng mga kapaki-pakinabang na gamit na puwedeng gawin mula sa mga used plastic bottles.


Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.