Tuklasin ang AHA-mazing qualities ng mga kangaroo sa 'AHA!'
Mag-a-align na mga planeta… bagong tuklas na ika-siyam na planeta… isang Pinoy-made satellite… ang update sa space mission ng unang Pinoy astronaut, at iba pang ulat-pangkalawakan sa "AHA-lam ba News?"

Alam n’yo bang hindi n’yo na kailangang pumunta sa Australia para makakita ng kangaroo? Dahil ang large marsupial na isa sa trademark animals mula sa ‘land down under’ ay makikita na rin ngayon sa… Ilocos Sur! Alamin ang mga AHA-mazing na katangian ng kangaroo at paano nga ba ito inaalagaan doon.


Ang ‘otaku’ ay isang super fan ng isang bagay o hobby, gaya ng mga super collector ng anime, manga, action figures, at marami pang iba. Alamin ang iba’t ibang paandar na nadiscover ng ka-AHA nating si Shine Kuk sa ‘Otaku Expo 2016’ na ginanap kamakailan sa isang mall.

Samahan ang mga Mad Sayangtists na sina Bedick at Ever sa paggawa ng mga DIY (do-it-yourself) na alkansiya o coin bank gamit ang mga lumang gamit sa bahay.

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 AM sa GMA-7.