ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Alamin ang science sa pagiging fan ng AlDub, ngayong Linggo sa 'AHA!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


AHA!
Linggo, July 3
8:15 AM sa GMA-7


Malapit nang ipalabas ang inaabangang pelikula ng ‘Aldub’ love team. Siguradong uulan na naman ng good vibes! Pero, ano nga ba ang nagdudulot ng kakaibang kilig at saya sa kanilang mga tagahanga? Tuklasin natin ang science of fandom, at alamin ang eksplanasyon kung bakit ang lakas maka-feel good ang makita ang inyong mga idol.

Isa ang Chodenji Machine Voltes V o mas kilala bilang ‘Voltes V’ sa mga Japanese anime television series na sumikat sa Pilipinas noong dekada 70. Bago pa nito ipagdiwang ang 40th anniversary sa susunod na taon, kilalanin nating muli ang mga bumubuo ng Voltes V at alamin kung bakit nga ba pumatok ito sa maraming anime fans sa iba’t ibang henerasyon.



Tag-ulan na naman! Pero, alam n’yo na ba kung paano nagkakaroon ng ulan? Alamin natin ang siyensiya sa likod ng rain formation, at busisiin din ang isang bagong app na puwedeng magamit sa weather forecasting o pagtaya ng panahon at pag-alam kung saang lugar at gaano kalakas ang padating na pag-ulan.

 



Tara at pasukin natin ang mundo ng mga halaman para alamin ang AHA-mazing na  proseso ang pinagdaanan ng mga ito para sa kanilang paglaki? Kilalanin din ang isang artist na mga tuyong dahon ang ginagamit sa paglikha ng kaniyang mga obra.


Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.