ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kuwento ng isa umanong ligaw na kaluluwa, tampok sa 'AHA: Horror Fest'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
_2016_10_22_18_48_04.jpg)
Oct. 23, 2016
_2016_10_22_18_47_46.jpg)
Ngayong Linggo, isa na namang ‘mini-movie’ na punong-puno ng kilabot, saya at kaalaman ang ihahatid sa inyo ng ‘AHA: Horror Fest.’
_2016_10_22_18_48_48.jpg)
Tampok sina Arianne Bautista at Jak Roberto, ang ‘Maria, Maria’ ay kuwento ng magbabarkada na naghanap ng isang kakaibang ‘sem break’ adventure.
_2016_10_22_18_46_59.jpg)
Sa isang sementeryo, nakadiskubre sila ng isang kahindik-hindik na lihim na akala nila’y matagal nang nailibing sa limot. Sa pamamagitan ng isang makapanindig-balahibong laro, makakausap nila ang sinasabing ligaw na kaluluwa ni Maria na tila handang sagutin ang lahat ng kanilang mga tanong.
_2016_10_22_18_47_15.jpg)
Pero, dapat ba nilang paniwalaan ang kanilang nakikita, o pinaglalaruan lamang sila ng siyensiya?
Samu’t saring kaalaman at katatakutan ang hatid sa inyo ng ikalawang mini-movie ng AHA: HORROR FEST, kasama si Drew Arellano, Oktubre 23, 8:15 am sa GMA.
More Videos
Most Popular