Katauhan at kakayahan ni Wonder Woman, mas kilalanin sa 'AHA'
NOV. 20, 2016

Alam n’yo bang unang lumabas sa comics si Wonder Woman noong 1941 pero ngayon pa lang siya magkakaroon ng first solo, big screen movie adaptation? Kilalanin pa natin ang superhero na ito, ang kaniyang kakayahan, sandata at kapangyarihan, mga mortal na kalaban, at pati ang kaniyang number one fan!

Nauuso ngayon ang mga VR o virtual reality headgear at goggles na magdadala sa player sa ‘next level’ of gaming experience. Ano nga ba ang siyensiya sa likod ng ‘virtual reality’ at paano nito ginagawang mas kapana-panabik at makapigil-hininga ang multisensory experience sa gaming?

Kilala ang paraisong isla ng Boracay sa pinong-pino at mala-pulbos nitong buhangin. Alamin ang siyensiya sa likod ng pagkakabuo ng iba’t ibang klase ng buhangin na matatagpuan sa iba’t ibang dalampasigan sa buong mundo. At alamin din kung paano gumagawa ng kanilang obra ang ilang ka-AHA nating sand artists.

Isa na namang ‘unboxing’ o pagbubukas ng kahon ng iba’t ibang laruan ang ating masasaksihan. Ano-ano kaya ang mga laruang ito na ating kikilatisin at tutuklasin?
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.