ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Encantadia Fever, ngayong Linggo sa 'AHA!'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
DECEMBER 4, 2016

Patok na naman sa mga manonood ang remake ng hit telefantasya na ‘Encantadia’ na unang ipinalabas sa telebisyon noong 2005. Pero, kilalang-kilala na nga ba ng bagong henerasyon ng fans ang paboritong nilang teleserye?’ Kilalanin pa natin ang makukulay na tauhan ng ‘Enca,’ at alamin din ang iba’t ibang nauusong laruan, pagkain, damit, game apps at iba pang merchandising items mula rito.

Alam n’yo ba kung saan nagmumula ang paborito nating chocolate? Bibisitahin natin ang isang ‘chocolate farm’ sa Davao para alamin ang kuwento ng tsokolate, ang iba’t ibang amazing trivia tungkol dito, pati ang pabrikang magpapakita sa atin kung paano nga ba ginagawa ang iba’t ibang chocolate products.
Ano-ano ba ang latest science news sa iba’t ibang panig ng mundo? Alamin natin yan sa ‘AHA-lam Ba News?’
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:00 am sa GMA.
More Videos
Most Popular