ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sardine Wall sa Moalboal sa Cebu, sisisirin sa AHA!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

JANUARY 8, 2017

 

Ayon sa Chinese calendar, ang 2017 ay ‘Year of the Fire Rooster.’ Pero alam n’yo na ba ang kuwento tungkol sa umano’y pinagmulan ng tandang? Alamin natin sa muling pagsasalaysay  ng ‘Alamat ng Tandang.’ Tuklasin din natin ang mga katangian ng bumibidang rooster at ang sagot ng siyensiya sa tanong na: bakit nga ba tumitilaok ang mga tandang?

 


Hindi lahat ng sardinas, nasa lata! Isa sa mga tourist attraction ngayon sa Moalboal, Cebu ang tinaguriang ‘sardine wall’ kung saan milyon-milyong mga isdang sardinas ang sabay-sabay na lumalangoy na tila nagsasayaw at bumubuo pa ng iba’t ibang hugis sa ilalim ng dagat. Samahan natin si ka-AHAng Carl Cervantes na nasaksihan ang AHA-mazing natural phenomenon na ito.

 


Naging viral sa internet ang isang nakatutuwang laro na kung tawagin ay ‘Pie Face Game’. Paano nga ba ito nilalaro at bakit kaya patok na patok sa marami nating ka-AHA ang good, clean, fun game na ito?

Paano ka nga ba makalilipad sa himpapawid sa pamamagitan ng paramotor gliding o paramotoring? Inalam para sa atin ‘yan ni ka-AHAng Bea Binene.

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.

 

 

Tags: pr, plug, aha, sardinas, rooster