ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga blue humanoid na smurfs, kikilalanin sa 'AHA!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

JANUARY 29, 2017 / 8 AM

 


Kilala n’yo ba ang The Smurfs? Sila ay isang fictional colony ng blue humanoids na tila mga duwende na naninirahan sa hugis-mushroom na mga bahay sa gubat. Una silang lumabas sa isang comics series noong 1958 ng Belgian comics artist na si Peyo. Mula noon, tumawid na ang Smurfs sa TV, advertising, video games, collectibles, at pati sa movies. Kilalanin natin ang The Smurfs at alamin ang kanilang nakaaaliw na mga katangian.

May silbi pa ba ang pira-pirasong alambre na pakalat-kalat lang sa bahay? Para sa isa nating ka-AHA, meron! Silipin natin ang mga kahanga-hangang obra gamit ang alambre at iba pang mga gamit sa bahay na tila patapon na.

 


Ang 2017 ay ‘Year of the Rooster’ ayon sa Chinese calendar. Alam n’yo ba kung bakit laging kumakahig sa lupa ang mga manok? May alamat uli kaming handog para sa inyo. Pero, may paliwanag din daw ang siyensiya tungkol diyan.

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:00 am  sa GMA.
Tags: pr, plug, aha, smurf, rooster