Marvel superhero na si Wolverine, mas kilalanin sa 'AHA!'
FEBRUARY 5, 2017

Alam n’yo ba kung ano ang ‘samurai?’ Sila ay mga mandirigma o warrior ng sinaunang feudal system ng Japan. Ang ibig sabihin ng ‘samurai’ ay ‘those who serve.’ Alamin ang mga kamangha-manghang katangian ng mga samurai, na bihasa sa pakikidigma, paggamit ng espada na kung tawagin ay katana, at manilbihan sa kanilang mga daimyo o great lord.
Gusto n’yo bang lumipad tulad ng agila? Puwedeng-puwede na, sa pamamagitan ng bagong ‘Agila Ride’ sa isang theme park sa Laguna. Isa itong multidimensional ‘flying theater’ kung saan gumagalaw ang mga silya at may mapapanood na video sa screen na magbibigay sa inyo ng feeling na lumilipad!

Si ‘Wolverine’ ay isang mutant at isa sa mga character sa ‘X-Men’ na American comic book series ng Marvel Comics. Alamin ang mga pambihirang kakayahan at kapangyarihan ni Wolverine at ang mga hayop na pinagbasehan o naging inspirasyon para dito.
Naaalala n’yo pa ba ang ‘Ghost Fighter?’ Isa itong anime series noong 90s na localized version ng Yu Yu Hakusho na Japanese manga series ni Yoshihiro Togashi. Kilalanin ang mg aka-AHA nating super fans ng ‘Ghost Fighter’ at kolektor ng mga laruan at iba pang collectibles.
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:00 am sa GMA.