ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Princess of Philippine Motocross, kilalanin sa 'AHA!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

MAY 7, 2017

 


Ngayong Linggo sa ‘AHA’, kilalanin natin si Pia Gabriel, ang tinaguriang ‘Princess of Philippine Motocross’. Four years old pa lang daw si Pia nang magsimula  siyang mag-aral mag-Motocross at mula noon ay halos nasalihan at napanalunan na niya ang lahat ng Motocross competitions sa bansa. Paano nga ba niya nagagawa ang ilang makapigil-hiningang stunts sa Motocross?

 


Madalas nating makita ang mga langgam na naghahanap at nag-iipon ng makakakain, lalo na ngayong tag-araw. Silipin natin kung paano nga ba mamuhay ang mga langgam. Ano-ano nga ba ang mga roles o papel na ginagampanan ng bawat isa sa kanilang colony?

Kamakailan, nag-viral ang larawan ng isang ahas na nagtatago o naka-camouflage daw sa kaniyang paligid. Bakit nga ba nagka-camouflage ang ahas at pati ang ibang mga hayop? Ano-ano ang mga paraan o techniques para epektibo nilang maitago ang kanilang sarili at hindi agad makita sa unang tingin?

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:00 am  sa GMA.