ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Diving dog ng Anilao, kilalanin sa 'AHA!'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MAY 14, 2017
_2017_05_12_14_53_27.png)
Ngayong Linggo sa AHA!, kilalanin natin si Sheldon, ang sikat na diving dog ng Anilao. Karamihan sa mga aso ay ‘langoy-aso’ lang ang alam. Pero kakaiba itong si Sheldon dahil kaya rin niyang sumisid! Paano kaya ito nagagawa ni Sheldon?

Bago pa man nakarating ang asin sa palengke at supermarket, papunta sa ating hapag-kainan, alam n’yo ba kung saan ito nanggaling? ’Yan ang pinuntahan ng AHA! sa Pangasinan, ang ‘salt capital of the Philippines’ para alamin ang proseso kung paano nga ba ginagawa at inaani ang asin. Alamin din ang ilang AHA-mazing salt powers!
Kamakailan, nag-viral ang isang larawan na nagpapakita ng iba’t ibang kulay sa kalangitan na tila bahaghari, pero hindi. May lilitaw nga bang unicorn mula sa mga ulap na ito? Alamin ang siyensiya sa likod ng natural phenomenon na ito na kung tawagin ay cloud iridescence.
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:00 am sa GMA.
More Videos
Most Popular