ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Iya at Drew Arellano, sasalang sa 'Let's Drew It' challenge


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

JUNE 18, 2017

 


‘Father’s Day’, mga Ka-AHA!  Dahil first time magse-celebrate ng Father’s Day bilang daddy at ating ka-Ahang si Drew Arellano, makakasama n’yang magbahagi ng kaalaman at kakulitan ang pinakamamahal na asawang si Iya Villania. Sa espesyal na segment na ‘Let’s Do It! Let’s Drew It!’, mababaligtad ang mundo dahil imbes na ang guest, si Drew ang isasabak ni Iya sa isang challenge kung  saan masusubok ang kanyang memorya pagdating sa ang kanilang anak na si Primo.

'Di rin makakalusot si Iya sa dahil hahamunin naman s’ya ni Drew sa patok-na-patok na ‘AHA: Walang Tatawa Challenge’.  Masusubok din ang kanilang baby handling skills sa iba pang challenges gaya ng ‘Prep the Baby’ at ‘Feed the Baby’.

And for more AHA-mazing stories, alam n’yo ba kung paano nagagawang pagpatung-patungin at balansehin ang iba’t ibang piraso ng bato sa iba’t ibang posisyon? Alamin ang siyensiya sa likod ng rock balancing o stone stacking.

 

Bukod sa fidget spinner, isa pang nauusong laruan ngayon ang ‘Gymnastics War’, isang table game kung saan ang objective ay mapa-perfect landing ang toy gymnast. Ano nga ba ang techniques para magawa ito?

Bukod sa fidget spinner, isa pang nauusong laruan ngayon ang ‘Gymnastics War’, isang table game kung saan ang objective ay mapa-perfect landing ang toy gymnast. Ano nga ba ang techniques para magawa ito?

Tags: pr, plug, aha!