Mobile game na EverWing, susubukan sa 'AHA!'
JULY 16, 2017

Sa espesyal na segment na 'Let's Do It! Let's Drew It!', panauhin ang Kapuso kontrabida star na si Katrina Halili na huling napanood sa hit TV series na 'D'Originals.' Kakasa kaya si Katrina sa mga hamon ni Drew gaya ng '"Walang Tatawa Challenge: Kiliti Edition?'

Sa iba pang AHA-mazing stories, samahan ang mga ka-AHA nating sina Adrian at Joshua ng boy band na T.O.P. na alamin ang iba't ibang uri at katangian ng mga anyong-tubig o bodies of water sa pamamagitan ng astig na music video.
Kamakailan, naging viral ang Facebook game na 'Everwing' at napakarami nang nahuhumaling na sa paglalaro nito kabilang na ang ilang Kapuso artists! Paano nga ba ito nilalaro at bakit patok na patok?
Samu't saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.