Jump rope tutorial with Drew Arellano at Kim Last, ngayong Linggo sa 'AHA!'

Marunong ba kayong mag-jump rope? Matuto tayo ng ilang basic at tricks skills sa jump rope kasama ang That’s My Bae member na si Kim Last at si Ka-AHAng Drew Arellano.

Sa espesyal na segment na ‘Let’s Do It! Let’s Drew It!’, ibabahagi namin sa inyo ang ilang ‘never-before-seen-footage’ ng pagbisita sa amin ng Kapuso heartthrob na si Ivan Dorschner, Kapuso heartthrob at basketball player na si Andre Paras, at ang Miss Universe Philippines-2016 Maxine Medina. Abangan ang matitindi at nakatutuwang hamon haharapin nila kasama si Ka-AHAng Drew.

At bisitahin natin ang isang oyster farm sa Bohol kasama ang ka-AHA na si Arianne Bautista para alamin ang tunay na buhay ng mga talaba! Paano nga ba sila inaalagaan, pinararami, at inaani?
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:00 am sa GMA.