Surfer kids ng Siargao, magpapakitang-gilas sa 'AHA!'
Sa espesyal na segment na ‘Let’s Do It! Let’s Drew It!’, panauhin naman ang batikang Kapuso comedian na napapanood sa ‘Celebrity Bluff’ na si Norman ‘Boobay’ Balbuena. Kakasa kaya si Boobay sa mga nakatutuwang hamon ni Drew gaya ng ‘Bugtong, Bugtong, ‘Poy En Jack’, ‘Pup Quiz’ at iba pa.

Magpapakitang-gilas sa surfing ang ilang kabataan sa Siargao. Bukod sa galing sa pakikipaglaro sa naglalakihang alon, alamin ang iba pang kahanga-hangang ginagawa ng Siargao surf kids para sila'y tawaging ‘Certified: Batang AHA!’
_2017_09_28_15_43_05.png)
Kung may Tamagochi noong 90s, ngayon naman, may ‘Hatchimals,’ isang hugis-itlog na interactive toy na kailangang alagaan na parang totoong hayop. Paano nga ba ito nagtuturo ng responsible pet ownership sa mga bata?
_2017_09_28_15_43_45_1.jpg)
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:30 am sa GMA.