Pinakamalaking water park sa Pilipinas, bibisitahin sa 'AHA!'

#BeattheSummerHeat pa rin ang pakay ni Drew Arellano sa second part ng ‘AHA! Water Park Special’ ngayong Linggo ng umaga! Kaya tuloy ang summer outing ng mga Ka-AHA! para magpapresko sa mga pinaka-extreme water park sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sinugod ni Drew ang Laguna kung saan matatagpuan ang sinasabing isa sa mga ‘deepest pool’ sa Pilipinas. At ang catch, mukhang may mga sirena siyang maka-catch sa malalim na pool na ito!
Trip n’yo bang magtampisaw sa sinasabing isa sa ‘largest wave pool’ sa bansa na matatagpuan sa Bulacan?
Gamit ang kanyang “E & F” meter, susukatin ni Arra San Agustin kung gaano katindi ang water activities sa loob ng sinasabing ‘largest water park in the Philippines’ na nasa Pampanga. Kung paano n’ya gagawin ‘yan…abangan!
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.