Godzilla, mag-i-invade this Sunday!

April 28, 2019
Noong nakaraang Lunes, isang malakas na lindol na may magnitude 6.1 ang naramdaman sa Luzon. Nagdulot ito ng sari-saring pinsala sa mga gusali, airport, malls, bahay, kalsada at iba pa. Pero totoo nga bang may mga ka-AHA tayo na nagkaroon ng premonition o paunang pakiramdam na magaganap nga ito? At posible rin bang maramdaman ng mga hayop kung may paparating na lindol?
Gusto n’yo bang matutong mag-surfing pero hindi pa kayo handang gawin ito sa dagat? Puwedeng mag-aral muna ng wavepool surfing. Ano-ano nga ba ang mga kailangang tandaan para matutuhan ang skill na ito?
Taong 1954 nang unang ipalabas ang Japanese kaiju film na ‘Godzilla’ at mula noon, nagkaroon na ito ng iba’t ibang Hollywood versions. Ngayong May, handa na ba kayong magimbal sa pagbabalik ng dambuhalang halimaw sa movie screen? Kilalanin din natin ang mga ka-AHA natin na gumagawa at nangongolekta ng iba’t ibang Godzilla toys, action figures at iba pang collectible.
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.