Paano nga ba ginagawa ang taho?
JUNE 16, 2019
Mga laruang sumikat noon, nagbabalik na nga ba ngayon? Tuklasin natin ang sari-saring toys and games gaya ng Tamagotchi, ‘Final Fantasy’ at iba pa, at alamin kung paano mas pinatindi ang bagong versions ng mga laruang ito para ma-enjoy ng Gen-Z. At ang mga mobile app na gumagawa ng wonders sa ating mukha--paano nga ba ito naging posible?
Nakilala ng AHA! ang isang grupo ng katutubong bird hunters sa Porac, Pampanga. Sisiw na sisiw lang sa kanilang palapitin ang mga maiilap na ibon…amazing! Kung ano ang technique nila, abangan!

Parang milk tea, tuloy-tuloy pa rin ang craze ng mga Pinoy sa all-time fave merienda-cum-dessert na ‘taho’! Nagkalat na ang sari-saring upgrades nito in terms of looks and flavors. Maaaring marami na ang nagpakita ng paraan kung paano ito ginagawa, pero alam n’yo ba na may science sa likod ng paggawa ng… tahoooo?
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.