ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Wowowin kid na si Ineng, mapapanood na sa 'AHA!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 

SEPTEMBER 8, 2019

Kamakailan, nag-viral ang iba’t ibang dance videos gaya ng ‘dip dance challenge,’ ‘alimango dance’ at ‘one of the baes dance’. Bakit nga ba tayo naeengganyong umindak tuwing nakaririnig tayo ng tugtog?

Marami sa ating mga ka-AHA ang mahilig maglaro ng video games. Pero alam n’yo bang may ilang sikat na video games ngayon na proudly Pinoy-made? Mag-log on tayo sa mga video game na ‘Towertale,’ ‘The Good Knight’ at ‘Ang Ospital’, at tuklasin ang ‘aliw factor’ na dulot nito sa mga manlalaro.

Ano ang nagdudulot ng sinok? Bakit tayo humihikab? Mapapahikab din ba tayo kapag nakakita tayo ng isang naghihikab? Alamin ang siyensiya sa likod ng mga natural na body processes na ‘sinok’ at ‘hikab’ kasama ang Wowowin kid na si Ineng na may hatid na music video pa!

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.