Batang magaling magbalanse habang nagbibisikleta, viral!
_2019_11_15_09_57_30.jpg)
November 17, 2019
Narito na ang mga AHA-mazing kuwento ngayong Linggo sa ‘AHA!
Kamakailan, nag-viral ang video ng isang batang kayang balansehin sa kaniyang ulo ang kahon-kahon ng mga panindang kakanin habang nagbibisikleta pa! Paano kaya niya nagagawa ‘yon? Anong bahagi ng ating katawan ang tumutulong sa ating pag-balanse?

Binisita ng ka-AHA nating si Ayra Mariano ang isang ‘bear museum’ sa Tagaytay. Ano nga ba ang kasaysayan ng mga cute and cuddly na ‘teddy bear?’ At sa totoong buhay naman, kilalanin natin ang iba’t ibang uri ng bear at alamin ang kanilang mga katangian.
_2019_11_15_09_53_59.jpg)
Sa Pixar animated short film na ‘Float’, bumida naman ang mga tauhan na di-maitatangging Pinoy. Alamin ang mga kuwento sa likod ng mga ‘Pinoy represent’ na ito sa larangan ng animation.
_2019_11_15_09_54_22.jpg)
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.