Artist, lumilikha ng mga artwork gamit ang masking tape!
AHA! AUGUST 5-7, 2020
AUGUST 5, WEDNESDAY
Nakuhanan ng video ng isang turista ang isang diumano'y sirena na sumusunod-sunod sa bangka nila. Gaano kaya katotoo ang mga kuwentong ito?
Alamin kung paano ginagawa ng mga ka-AHA na bahagi ng kanilang 'reality' ang mga paborito nilang characters sa mundo ng 'fantasy' -- sa pamamagitan ng cosplay, mobile game, at life-size toy versions.
'Now you see them... now you don't!' Paano nga ba ginagawa ang makalaglag-pangang 'invisibility pranks' na nauuso sa social media? At may bonus pa kaming tricks na magpapawala sa mga bagay sa harap mismo ng inyong mga mata, kaya sabi ni Kuya Drew, "Walang kukurap, mga ka-AHA!"
AUGUST 6, THURSDAY
Una nating nakikilala ang iba’t ibang mga kulay sa crayons na lagi nating gamit sa eskuwela at sa bahay. Pero, alam n’yo bang puwede rin tayong gumawa ng sarili nating crayons? Paano nga ba gumawa ng pangkulay mula sa pigments ng prutas at gulay? Iyan ang aalamin natin kasama ang super cute na si Pao-Pao!
‘Monster Trucks’ ang bansag sa mga dambuhalang truck. Sumama tayo sa isang grupo ng 4 x 4 off-road drivers at alamin kung paano nagagawang humarabas ng mga sasakyang ito sa putikan at bako-bakong kalsada at maging sa mga bulubundukin. Ano-ano ba ang pagkakaiba nito sa mga ordinaryong sasakyan?
Ilista natin ang ilan sa mga hayop na kadalasan ay iniiwasan at kinatatakutan. Bakit nga ba? Ano-ano ang peligrong maaari nilang idulot sa mga tao? At ayon sa tala ng mga taong nagiging biktima nito taon-taon, tiyak na magugulat kayo kung aling hayop ang mangunguna sa ating ‘deadliest animals’ list.
Tuklasin din natin kung paano gumagana ang ilang mga nauso at paandar na apps o applications na puwede nating subukan sa pagkuha ng mga larawan at video gamit ang ating smartphones.
AUGUST 7, FRIDAY
Kilalanin natin ang ka-AHA nating lumilikha ng mga pambihirang mga larawan hindi gamit ang tinta o pintura, kundi… masking tape!
Paano kaya niya ito ginagawa?
Bisitahin natin ang Dropzone Adventure sa Bukidnon at alamin kung bakit ito paborito ng mahihilig sa extreme adventures.
Kayanin kaya ng ka-AHA nating si Aaron Yanga ang tumalon mula sa taas na katumbas ng isang 12-storey building?
Ano ang siyensiya na tutulong sa kaniya para sa nakalululang challenge na ito?
Isa sa naging paboritong animated Filipino Films ang ‘Saving Sally’, na gumamit ng pinagsamang live-action at animation.
Ang istilo ng animation na ginamit dito ay 2D at 3D. Paano nga ba ito naging posible? Aha-bangan!
AHA! Miyerkules hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga at Linggo, 8:15am.