Bakit nga ba nakikiliti ang tao?
AHA! SEPTEMBER 9-11, 2020
SEPTEMBER 9, WEDNESDAY
Sino ang pinakamabilis? Sino ang pinakamalakas? Sino ang pinakaastig? Ang Team Gutom o Team Busog? Alamin natin sa nakaaaliw na palaro na pinaghalong ‘Hunger Games’ at ‘Takeshi’s Castle’— ang ‘AHA: Gutom Games!’
Sikat na sikat ang hayop na ito tuwing Pasko dahil sila raw ang tagahila ng sleigh na sasakyan ni Santa Claus! Ito ang deer o usa! Pero alam n’yo bang sa tunay na buhay ay may usa rin sa Pilipinas? Samahan natin ang ka-AHAng si Vince Velasco na kilalanin ang pambihirang hayop na ito at alamin ang kanilang mga katangian.
Huwag basta-basta itapon ang mga bote na pakalat-kalat sa inyong bahay. Sa tulong ng mga Mad Sayangtist, alamin natin ang iba’t ibang paraan para magkaroon ng bagong gamit at silbi ang mga boteng ‘yan.
SEPTEMBER 10, THURSDAY
Marami sa atin ang mahilig mag-selfie. Kaya naman nauso ang iba’t ibang klase ng social media photo apps gaya ng Snapchat at Masquerade kung saan puwede mong pagandahin at ibahin ang hitsura mo— puwede kang magkaroon ng balbas, headgear, salamin, malalaking mata at kung ano-ano pa. Paano nga ba nagagawa ng teknolohiya ng facial recognition ang iba’t ibang paandar na ito?
Gusto n’yo bang makakita ng mga higanteng insekto? Samahan n’yo kami sa Insectlandia at alamin din ang mga katangian nila. Paano nga ba napagagalaw ang mga ito sa pamamagitan ng animatronics technology?
Saan ang mga kiliti n’yo: sa paa? Leeg? Baywang? Alamin ang siyensiya kung bakit nga ba tayo nakakaramdam ng kiliti at puwede nga bang labanan ito?
SEPTEMBER 11, FRIDAY
Araw-araw, iba-iba ang lunch ng kids from all over the world.
May mga pagkakatulad at pagkakaiba kaya ang pagkain ng mga bata sa iba’t ibang bansa? Habang online pa ang classes ngayon, mag-throwback lunchbox muna tayo!
Alam n’yo bang ang laruang Lego ay imbensyon ng isang karpinterong taga- Denmark noon pang 1932? Sa loob ng higit sa walumpung taon, paano na nga ba nag-level up ang pagbuo at paglalaro ng classic toy na ito? Sa sobrang kasikatan nga ng Lego, nagkaroon pa ito ng pelikula at ngayon, may Lego- inspired sandwich na rin!
Sa closing ceremonies ng Rio Olympics, agaw-eksena sa intro video ng Japan para sana sa 2020 Olympics ang ilan sa mga di-malilimutang characters na tubong-Japan gaya nina Pacman, Hello Kitty, Doraemon, at siyempre, si Super Mario. Kilalanin pa natin ang timeless at iconic characters na ito na kinaaaliwan ng mga bata at maging matatanda noon at hanggang ngayon.
AHA! Miyerkules hanggang Biyernes, 8:25am at Linggo, 8:15am!