ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

How do you beat a claw machine?


 

 

SEPTEMBER 23, WEDNESDAY

AHA-lamin ang siyensiya sa likod ng mga kamangha-manghang tauhan, lugar at pangyayari sa ating mga paboritong sci-fi movies sa isang exhibit sa Mind Museum. Gaano kaya katalino ang mga sea lion? Ano-ano ang kanilang mga kakayahan at katangian na talaga namang AHA-mazing? Alamin natin kasama ang ka- AHAng si Maey Bautista.

‘Forever’ na raw ang mga hindi nabubulok na basura gaya ng plastic. Kaya imbes na itapon na lang ito nang basta-basta, tuturuan tayo ng mga Mad Sayangtist ng mga kapaki-pakinabang na gamit na puwedeng gawin mula sa mga used plastic bottles.

SEPTEMBER 24, THURSDAY

Marami sa atin ang nakasakay na sa malaki at mahabang jeep. Ngayon naman, ite-test drive ni ka-AHAng Drew ang isang bagong innovation sa original na ‘hari ng kalsada’— ang miniature jeepney o ‘jeepito!’

Papasukin naman ni ka-AHAng Ruru Madrid ang kakaibang mundo ng virtual reality games. Paano nga ba ito ipino-programa at paano ito nilalaro? Alamin din kung paano nito nilalaro ang ating senses para maitransport tayo sa gitna ng aksyon, sa loob mismo ng game.

Bibisitahin naman nina Bedick at Ever ang isang interactive at digital playground sa Makati na kung tawagin ay ‘Future Park.’ Alamin kung ano- anong high-tech games at activities ang puwede nating subukan dito, at tuklasin din ang amazing science sa likod nito.

SEPTEMBER 25, FRIDAY

Naaalala n’yo pa ba ang malaking playpen na punong-puno ng mga bola na kung tawagin ay ‘ball swim?’ Hindi na lang mga bata ang puwedeng mag-dive dito ngayon! Bisitahin natin ang ‘Ball Pit Manila’ na isang giant playpen for grownups na mabisa raw panrelax at pangtanggal ng stress.

Kilalanin natin ang ka-AHA nating si Inigo Anton, ang 11 year old Go Kart champion na itinuturing ngayon na ‘youngest race driver sa Pilipinas. Pero bukod sa pagiging kampeon, meron pa raw tayong mahalagang aral na puwedeng matutuhan sa kaniya.

Pasyalan natin ang isa na namang cosplay event na ‘Otaku Connection’ at alamin kung paano nga ginagawa ng mga cosplayer ang kanilang detalyadong costumes and props para sa natatanging event na ito.

SEPTEMBER 27, 2020, SUNDAY

 



Samahan ang AHA! Squad na harapin ang iba't ibang physical challenges sa Heroes Headquarters. Handa na ba silang maging superhero?

 



'The struggle is real' din ba kayo sa paglalaro ng 'claw machines?'Alamin kung ano ang mga technique para madaling makuha ang pangarap n'yong plush toy sa machine na ito.

 




Huwag basta-basta itapon ang mga old and faded na dolls dahil puwede pa itong i-makeover!

AHA! Miyerkules hanggang Biyernes, 8;25am, at Linggo, 8:15am!