Totoo nga bang nakakahawa ang paghihikab?
AHA! OCTOBER 7-9, 2020
OCTOBER 7, WEDNESDAY
Paano nga ba gumuhit ng iba’t ibang obra mula sa mga numero at letra? Ituturo sa atin ‘yan ng Mad Sayangtists na sina Bedick at Ever.
Totoo nga bang kapag nakakita tayo ng humihikab ay nahahawa na rin tayo? Bakit kaya? Alamin natin kung bakit nga ba tayo humihikab at ano ang kahalagahan nito sa ating katawan.
Kapag nalulungkot tayo, kung minsan ay naiiyak tayo at naluluha. Pero ano-ano pa nga ba ang mga dahilan ng ating pagluha and what is the science behind it? Alamin natin sa ‘simple pero rock!’
Nitrogen ice cream, Minion cupcakes, chocolate crayons at marami pang
ibang matatamis na pagkain, paano nga ba ginagawa?
OCTOBER 8, THURSDAY
Sino’ng may sabing pambatang laruan lang ang mga robot? Puwede rin itong maging ‘toys for the big boys!’
Kilalanin natin ang ka-AHAng kolektor ng iba’t ibang robot at tuturuan din tayo ng Mad Sayangtists na sina Bedick at Ever kung paano gumawa ng isang D-I-Y na laruang robot.
Skateboard ba longboard? Ang tawag sa craze na ito: two-wheeled, self-balancing electric scooter. Paano nga ba ito umaandar? Samahan n’yo kaming i-test drive ito.
‘Wag nating ismolin ang big-time collection ng isang ka-AHA na mga scale- model cars na may pambihirang mga detalye at disenyo. Humaharurot din daw ang mga ito sa mini-car shows.
OCTOBER 9, FRIDAY
Bukod sa pagnguya, paglulon, paglasa ng pagkain at pagsasalita, ano-ano pa ba ang AHA-mazing skills ng ating ‘taste buddy’—ang ating dila? Alamin natin ang mga iyon at ang simple pero rock na explanation.
Puwede nga bang mag-generate ng electricity gamit ang used cooking oil? Paano umaandar ang E- cars gamit ang kuryente at ang backup na solar panels? Alamin ang iba’t ibang alternative sources of energy na ginagamit sa isla ng Boracay para ito’y maging eco-friendly.
Silipin din ang kauna-unahang interactive theme park ng Dreamworks na tinatawag na ‘Dreamplay’, kung saan tampok ang iba’t ibang characters mula sa sikat na Dreamworks movies gaya ng Shrek, Kung Fu Panda, How To Train your Dragon, at marami pang iba.
AHA! Miyerkules hanggang Biyernes, 8:25am at Linggo. 8:15am!