ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Wally Bayola, ilalahad sa 'Alisto' ang pagkaka-aksidente sa motor


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ALISTO!
Airing Date: June 13, 2013





Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, pang-apat ang motorsiklo sa mga sasakyan na may pinakamaraming kinasangkutang aksidente sa kalsada. Ang iba sa kanila, huli sa CCTV!

Alamin ang top ten na pinakamalalang motorcycle accident, ano nga ba ang sanhi at paano ito maiiwasan?



Hindi naman biro ang dinanas ng komedyanteng si Wally Bayola matapos siyang maaksidente nito lang Mayo. Pauwi siya noon sakay ng kanyang motorsiklo. Dahil madulas ang kalsada, dumausdos siya sa daan matapos umiwas sa isang truck. Wasak ang kanyang motorsiklo. Paano kaya siya nakaligtas at ano ang aral na nakuha niya mula sa aksidenteng ito?



Sa Ronda Alisto, isang call center agent sa Ortigas ang aksidenteng nahulog sa limampung talampakang lalim ng creek bandang ala-una ng madaling araw.  Ang San Antonio Rescue, agad siyang sinaklolohan. Ang pagsagip sa biktima, naging pahirapan. Alamin kung paano makaliligtas sa mga pagkakataong tulad nito.     



Samahan si Arnold Clavio ngayong Huwebes sa Alisto, pagkatapos ng Saksi!