ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Alisto:' Baby Shaker Yaya, huling-huli sa CCTV


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ALISTO
Airing Date: July 25, 2013

Baby shaker yaya, mararahas na krimeng huli sa CCTV camera, at iba’t ibang insidente ng nasusunog na sasakyang kuha ng ilang YouScooper, abangan sa bagong bihis na "ALISTO!" ngayong Huwebes!


 
Sa panahong madalas wala sa bahay ang mga magulang dahil sa trabaho, ang pagkuha ng mga yaya o baby sitter ang tila hulog ng langit para sa ilan. Pero mag-ingat mga igan, dahil baka oras na malingat ka ng kaunti, bangungot na pala ang sinasapit ng inyong anghel sa kamay ng inyong yaya.

Ipinagkatiwala ng mag-asawang "Greg" at "Daiana" (hindi nila tunay na pangalan) ang kanilang tatlong buwang gulang na sanggol sa isang yaya sa pag-aakalang ituturing niya ang bata bilang sarili niyang anak. Pero sa CCTV footage sa loob mismo ng kanilang bahay, tumambad ang mapait na katotohanan. Kapag wala pala sila sa bahay, iwinawasiwas n parang manika ang sanggol, sinasaktan at iniuumpog ang ulo ng bata!
 
Hindi rin nalalayo ang kalbaryong sinapit ng inang si “Elaine”, hindi niya rin tunay na pangalan. Dahil sa ilang video na kanilang napanood sa telebisyon, naisipan din nilang maglagay ng hidden camera sa kanilang bahay.  Laking pagtataka nila kung bakit ganoon na lamang ang lakas ng iyak ng kanilang isang taong gulang na anak.  Nakaririnig din sila ng hindi pangkaraniwang mga kalabog sa kanilang kuwarto.  Nang panoorin ang nilalaman ng video, nalantad na ang lihim ng bayolenteng yaya!
 
Paano nga ba matitiyak na ligtas ang inyong mga anak sa kamay ng mga yaya para hindi nila danasin ang tinatawag na “Shaken Baby Syndrome?"
 
Samantala, huli rin sa CCTV camera ang ilang insidente ng mararahas na krimen.  Tulad na lang ng sinapit ng isang taxi driver sa Pasay City.  Madaling araw nang isang nagpanggap na pasahero ang pumara sa kanya.  Hindi pa man nakasasakay, nagdeklara ng holdap ang lalaki at agad siyang pinagbabaril.  Sa kabila ng tinamong tama ng bala, nagawa pa niyang ihatid ang sarili sa ospital pero sa kasamaang palad ay binawian din siya ng buhay.
 
Sa unang edisyon din ng ALISTO AKO!, mapapanood ang video ng mga YouScooper tungkol sa mga sasakyang inabutan nilang nasusunog!  Ano nga ba ang mga dapat tandaan sakaling maharap sa ganitong nagliliyab na peligro?
 
Tutukan ang buong kuwento sa bagong bihis na Alisto kasama si Igan, Arnold Clavio ngayong July 25, Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA 7!