ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Talamak na modus sa University Belt, tatalakayin sa 'Alisto'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ALISTO
Airing Date: August 1, 2013

Resbak!
Mga insidente ng rambol na nagsimula dahil sa pananakit o pang-aagrabyado sa iisang tao, nauwi sa sagupaan ng malalaking grupo!
 
Sa isang barangay sa sampaloc, isang babae ang diumano’y nagkalat ng tsismis laban sa kaniyang kapitbahay. Sa galit ng kapitbahay, sinapak niya ang babae.  Pero ang pamilya ng babae, tila rumesponde para maghiganti! Tunghayan din ang kwento ng isang lalaking binuhusan umano ng alak sa gitna ng isang pista.  Halos buong kalye bumuwelta sa may sala nang siya ay umalma!
 
Bakit nga ba madalas rumeresbak ang ilang Pilipino at paano maiiwasan na humantong ito sa gulo?
 
Motor vs. Kotse
Mula sa kuha ng Makati C3, huling-huli ang mga aksidenteng nangyari dahil sa hindi pagsunod sa mga batas, at madalas ang sangkot---mga motorsiklong bumabangga sa mga kotse!
 
Dahil sa hindi pagsunod sa stoplight, isang rider ang tumilapon nang sumalpok ang kaniyang motor sa isang taxi.  Sa isa pang hiwalay na aksidente, isang motor naman ang sumalubong sa isang taxi na nagresulta sa isang head-on collision.
 
Alamin ang mga maling gawain ng mga motorista na kadalasang nagreresulta sa mga aksidente para makaiwas sa disgrasya.
 
U-belt modus
Sa University Belt, hindi lang mga estudyante ang makikita.  Pati mga kawatang nananamantala, nagkalat.
 
Babala sa lahat ng mga dumaraan sa Lacson Street sa may Espanya, isang tricyle ang paikot-ikot sa lugar na ito, pero hindi para mamasada kundi para magnakaw.
 
Huwag din pakasisiguro kahit nakarating na sa dorm o boarding house, isang binata ang naghahanap lamang ng signal nang biglang hablutin ang kanyang cellphone mula sa labas ng bintana.
 
Paano ba magiging Alisto para hindi mabiktima ng mga kawatan sa university belt area?
 
Samahan si Arnold Clavio na maging Alisto!  Ngayong Huwebes (August 1, 2013), pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.