ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Salisi sa opisina tampok sa 'Alisto


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ALISTO
Airing Date: September 5, 2013


Ngayong Huwebes sa Alisto! Mga modus sa loob ng opisina, asarang nauwi sa sakitan at mga aksidenteng kinasangkutan ng dambuhalang mga truck! 
 

Huling-huli sa CCTV camera ng ilang opisina ang ginawang pananalisi ng kawatan at kung paano nila ninakaw ang personal na gamit ng ilang empleyado.  Nakuhanan din ng CCTV camera ang aktwal na pagnanakaw ng isang training manager sa perang kinita ng kanilang kainan.
 
Sa mga video naman na kuha ng ilan nating kababayan, asaran, away pag-ibig, at kantsawan sa sports ang pinagmulan ng mga rambol.  Bakit nga ba humahantong sa pisikalan ang mga pagtatalong puwede naman sanang idaan sa mabuting usapan?

 
Malaki, mataas at dambuhala ng kalsada ang mga truck, pero bakit nga ba madalas pa rin silang masangkot sa mga aksidente?  Paano maging alisto kung ikaw ay nagmamaneho ng truck at kung sakaling makasabay mo ang ganitong uri ng sasakyan sa kalsada? 
 
Samahan si Igan Arnold Clavio na maging "Alisto!" Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!