ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga CCTV video ng lindol sa Bohol at Cebu tampok sa 'Alisto'


Alisto
Airing Date: October 17, 2013

Ngayong Huwebes sa 'Alisto!' mga kawatang sumablay ang modus, away-trapiko na nauwi sa sakitan at mga CCTV video ng lindol sa Bohol at Cebu!
 
Nabalot ng takot nang niyanig ng magnitude 7.2 ang lindol ang Bohol kahapon.  Nadama rin ito sa iba't ibang karatig lugar sa Visayas at Mindanao.  Sa kabila ng dami ng mga pinsalang idinulot nito, kitang-kita rin na iba't ibang CCTV videos kung paanong gumuho ng iba't ibang cultural structures at establishments.  Alamin rin kung paano magiging Alisto at kung ano ang mga dapat gawin oras na lumindol.


 
 
Matalino man daw ang matsing, napaglalalangan din.  Kaya naman ang ilang kawatan, kahit gaano pa pinagplanuhan ang maitim nilang modus, nabisto pa rin at nasakote ng mga otoridad! Sa Barangay San Antonio sa Pasig, may binansagan silang “Totoy Bibo” na notoryus na raw sa pagnanakaw sa kanilang lugar. Sa isang CCTV footage, huling huli siyang dumiskarte habang natutulog ang isang sekyu.  Pero ilang minuto lang matapos niyang makuha ang bag sa tabi ng sekyu, agad rumesponde ang mga tauhan ng barangay at agad siyang nadakip!
 
Samantala tinutukan din ng Alisto ang ilang mapanganib na away trapiko na nagsimula lang sa init ng ulo.  Isang lalaki sa Pasig ang nag-amok matapos lang sitahin ng isang traffic enforcer dahil sa hindi pagsusuot ng helmet!  Ang lalaking nagwala, aba’y humanap pa ng mga sidekick para pagtulungan ang enforcer!  Paano nga ba maiiwasan ang mga away-trapiko?
  
Samahan si Igan, Arnold Clavio na maging 'Alisto!' Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!