ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga aksidente, modus at rambol na nauwi sa saksakan, tampok sa 'Alisto'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang spillway sa Rodriguez, Rizal na pag-aari ng isang pribadong kumpanya ang madalas daanan ng ilang motorista. Short cut daw kasi ito kaya naman sa kabila ng paaalala ng barangay na delikado itong daanan, hindi ito nasusunod. Ang resulta, kapag umaapaw ang ilog, naaaksidente ang ilang sasakyan. Ang pagkahulog ng mga ito sa ilog… huli sa CCTV! Paano nga ba maiiwasan ang ganitong klase ng peligro?

Samantala, ngayong malapit na ang buwan ng Disyembre, patok na naman ang mga sanglaan. Pero mag-ingat, mga Igan. Dahil sa ilang CCTV video, kitang-kita kung paano ito napagdiskitahan ng ilang kawatan. Ano nga ba ang modus ng martilyo gang na bukod sa target nilang alahas, nagdudulot din ng tensyon at panganib sa mga customer at staff ng sanglaan? Paano maging ligtas sa ganitong mga lugar?

Ilang rambol naman ang hindi lang basta nauwi sa sakitan kundi tuluyang humantong sa saksakan. Ang isa pa sa mga menor de edad na biktima, nakursunadahan lang. Bakit nga ba humahantong sa pagdanak ng dugo ang ganitong gulo?
Maging Alisto kasama si Igan, Arnold Clavio. Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!
More Videos
Most Popular