ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
‘Alisto’ crime prevention tips para sa night shift employees
By Jan Suing
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Simula nang umusbong ang industriya ng business process outsourcing o BPO sa bansa, higit na dumami ang bilang ng mga Pilipino na tulog sa umaga at kumakayod sa gabi. Marami sa mga empleyadong ito ang pumapasok sa opisina alas-diyes ng gabi, at umuuwi alas-singko o alas-sais ng umaga, minsa’y bago pa sumikat ang araw.
Kakambal ng kakaibang oras ng trabahong ito ang peligro ng iba’t ibang krimen na kadalasang nangyayari sa dilim ng gabi. Kaya mga igan, mahalagang doblehin ang pag-iingat at pagiging alisto!
Naririto ang ilang crime prevention tips para maging ligtas at maiwasan ang mga panganib na maaaring makaharap ng mga night shift employees, papunta man o pauwi mula sa trabaho.
Alisto Tip #1: Hangga’t maaari, huwag maglakad sa daan mag-isa kung dis-oras na ng gabi. Bumuo ng grupo kasama ang mga katrabaho at ugaliin ang pag-uwi nang sabay-sabay lalu na kung magkakalapit naman ang lokasyon ng inyong tinitirahan.
Kakambal ng kakaibang oras ng trabahong ito ang peligro ng iba’t ibang krimen na kadalasang nangyayari sa dilim ng gabi. Kaya mga igan, mahalagang doblehin ang pag-iingat at pagiging alisto!
Naririto ang ilang crime prevention tips para maging ligtas at maiwasan ang mga panganib na maaaring makaharap ng mga night shift employees, papunta man o pauwi mula sa trabaho.
Alisto Tip #1: Hangga’t maaari, huwag maglakad sa daan mag-isa kung dis-oras na ng gabi. Bumuo ng grupo kasama ang mga katrabaho at ugaliin ang pag-uwi nang sabay-sabay lalu na kung magkakalapit naman ang lokasyon ng inyong tinitirahan.

Kung hindi maiiwasang maglakad mag-isa, pumili ng daanang may ilaw at maraming tao. Planuhin ang ruta bago lumabas sa opisina at iwasan ang mga lugar kung saan maaari kang ma-corner ng mga kawatan.
Alisto Tip #2: Kung nararamdaman mong may sumusunod sa iyo sa paglalakad, ipakita mo ang iyong pagiging alisto at ipabatid sa kanya na alam mong sinusundan ka niya. Ipakita sa sumusunod na namukhaan o nakilala mo siya - isang bagay na makatutulong sa iyong kilalanin o ilarawan siya sa mga pulis kung sakali.

Kung patuloy ang pagsunod niya sa iyo, humanap ng ibang mas ligtas na kalye kung saan marami ring taong naglalakad.
Kung hindi pa rin ito epektibo, maglakad patungo sa isang okupadong gusali na may security guard at manatili muna rito hanggang sa mawala ang sumusunod sa iyo.
Alisto Tip #3: Kung ikaw ay nagmamaneho ng kotse at napansin mong may kahina-hinalang sasakyan na sumusunod sa iyo, tandaan kaagad ang plate number ng sasakyan at isumbong ito kaagad sa malapit na police station. Kung ikaw naman ay papasok sa trabaho at may dalang kotse, siguraduhing nakakandado ang lahat ng pintuan at nakasarado ang mga bintana nito bago mo iwanan ang sasakyan sa parking lot.

Kapag pauwi mula sa trabaho, ihanda na ang susi ng iyong kotse para kaagad makapasok dito. Ang gugugulin kasi na oras sa paghahanap ng car keys sa iyong bag ay maaaring samantalahin ng mga kawatan upang maisagawa ang kanilang masamang balak. Maging mapanuri sa paligid.
Alisto Tip #4: Sa pagsakay ng bus, pumili ng mga bus stop na maliwanag at may sapat na ilaw, at nakapuwesto sa matataong lugar. Parating maging alerto at iwasan ang pagbubungangtulog o pagde-daydream.

Alisto Tip #5: Siguraduhin na alam ng iyong pamilya, kaibigan o kasama sa bahay ang numero ng iyong opisina kung sakaling may emergency. Ugaliing tumawag muna sa bahay pagkarating at bago umalis ng opisina.

Kung maaari, magdala parati ng small pocket flashlight sa iyong bulsa o bag na maaari mong magamit kung sakaling kailanganin mong maglakad sa isang madilim na lugar kapag pauwi mula sa opisina.
Mga igan, parating tandaan na sa panahon ngayon, ang mga kawatan, wala nang pinipiling oras. Tama lamang na maging handa tayo anumang oras para hindi mabiktima ng mga modus ng masasamang loob na ito. Ugaliing maging alisto at huwag pumayag na maloko! — Jan Suing/CM, GMA News
More Videos
Most Popular